Globo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Kalahating pisngi ng globo ng daigdig.
Ang isa pang kahati ng globo ng mundo.

Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.

[baguhin] Mga bahagi ng globo

  1. Ekwador - humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
  2. Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
  3. Longhitud - kunot na guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog.
  4. Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
  5. Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.
  6. Grid o Patilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud

Tatlong malalaking pangkat ng latitud:

  1. Mababang Latitud
  2. Gitnang Latitud
  3. Mataas na Latitud

Natatanging guhit sa mukha ng globo:

  1. Ekwador
  2. Tropiko ng Kanser
  3. Tropiko ng Kaprikorn
  4. Kabilugang Artiko
  5. Kabilugang Antartiko

[baguhin] Tingnan din

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Globo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.