Girl Scouts of the Philippines

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Girl Scouts of the Philippines
Girl Scouts of the Philippines logo.png
Bansa Philippines
Petsa 1940-05-26
Pundador Pilar Hidalgo-Lim at Josefa Llanes Escoda
Punong babaeng iskawt Gloria Macapagal-Arroyo
Scouting

Ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) ay kasapi ng pandaigdigang kilusan na nagbibigay ng di-pormal na edukasyon batay sa kahalagahang espirituwal at mithi ng serbisyo sa mga batang babae na may edad 4-21. Ito ay itinatag noong 26 Mayo 1940 sa Pilipinas sa pangunguna ng Boy Scouts of the Philippines alinsunod sa Saligang Batas 542 sa ilalim ng Pamahalaang Commonwealth na pinamunuan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan

Si Josefa Llanes Escoda.

Ang GSP ay itinatag nina Pilar-Hidalgo Lim at Josefa Llanes Escoda na noon ay nagsisilbing Pangulo at Kalihim ng samahang National Federation of Women's Clubs of the Philippines (NFWC). Sila ay nakipag-ugnayan kina Magat Joseph Stewart, Jorge Vargas, at ang dating Pangulo ng Boy Scouts of the Philippines na si Heneral Vicente Lim na bumuo ng lokal na sangay ng United States Girl Scouts na noon ay nagsisimula na sa mga lalawigan ng Lungsod Tacloban, Leyte, at Lungsod Zamboanga.

Si Gng. Escoda ay ipinadala sa Estados Unidos upang magsanay sa larangang ito. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay kinuha niyang kasapi sina Maria Aurora Quezon (anak ni Pangulong Quezon), Lily Padilla-de las Alas, Lourdes Ledesma, at Erlinda Kalaw-Illusorio at sila ang tumayong mga unang babaeng skawt ng Pilipinas.

Taong 1946 nang ipinaalam ng GSP ang hangarin nitong maging kasapi ng World Association of Girl Guides and Girl Scouts (WAGGGS) at taong 1948 nang magkaroon ng katuparan ang mithiing ito.

[baguhin] Bisyon

Ang batang babaeng Pilipino na progresibo, masigla, makabayan, at mapagmahal sa Diyos.

[baguhin] Misyon

Makatulong sa mga batang babae at dalagita na maunawaan ang pagiging huwarang babae at maihanda sila sa kanilang mga responsibilidad sa tahanan, sa bansa, at sa buong mundo.

[baguhin] Pangako ng Babaeng Iskawt

[baguhin] Batas ng Babaeng Iskawt

Ang Batas ng Babaeng Iskawt
Ang Girl Scout ay mapagkakatiwalaan.
Ang Girl Scout ay matapat.
Ang Girl Scout ay matulungin.
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat Girl Scout.
Ang Girl Scout ay mapitagan.
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat na may buhay.
Ang Girl Scout ay disiplinado.
Ang Girl Scout ay may sariling paninindigan.
Ang Girl Scout ay matipid.
Ang Girl Scout ay malinis sa isip, sa salita, at sa gawa.

[baguhin] Pangkat

Ang organisasyon ay nahahati sa limang pangkat ayon sa kanilang edad:

  • Twinkler - para sa mga may edad 4 - 6
  • Star Scout - para sa mga may edad 6 - 9
  • Junior Girl Scout - para sa mga may edad 9 - 12
  • Senior Girl Scout - para sa mga may edad 12 - 15
  • Cadet Girl Scout - para sa mga may edad 15 - 21

[baguhin] Tala ukol sa Samahan

Pinuno: Ma. Dolores T. Santiago
Adres: 901 Kalye Padre Faura, 1000 Lungsod Maynila, Pilipinas
Telepono: (632) 523-8331 to 32
Fax: (632) 524-5144
E-mail: gspnhq@tri-isys.com
Opisyal na websayt: www.girlscouts.org.ph

[baguhin] Sanggunian

  • Hango sa isinulat ni Encarnacion, Rosario G.. Federacion Internacional de Abogadas, Philippine Branch. 100 Centennial Celebration - Feminist Movement in the Philippines 1905- 2005. Lungsod Quezon: Vibal Publishing House, Inc., 2005. (noong 21 Pebrero 2008)
  • Hango sa Directory of Non-Government Organizations Working on Women. Publication of the National Commission on the Role of Filipino Women; Copyright 2007.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.