Gilda Olvidado

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: 9 Agosto 1957 | }} {{#if: | }} {{#if: Ruben Marcelino | }} {{#if: Gregorio Tan
Guarda Olvidado | }} {{#if: | }}
Gilda Olvidado Tan
200px
Estado {{{estado}}}
Kapanganakan 9 Agosto 1957
Cebu City, Cebu
Kamatayan
Asawa Ruben Marcelino
Mga Magulang Gregorio Tan
Guarda Olvidado
Palayaw {{{othernames}}}

Si Gilda Olvidado ay isang tanyag na manunulat ng komiks at mga romansang nobela sa Pilipinas. Siya ay itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na babaeng manunulat ng komiks sa bansa.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Isinilang noong ika-9 ng Agosto 1957 sa Cebu City, Cebu ang mga magulang niya ay sina Gregorio Tan at Guarda Olvidado. Lumaki at nag-aral si Olvidado sa Maranding, Lanao del Norte. Kumuha siya ng Chemistry sa loob ng isang taon sa Adamson University at Journalism sa Manuel L. Quezon University, subalit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.

Naging tagahanga siya ng isa ring batikang komiks-writer na si Carlo J. Caparas. Siya rin ang nagsilbing inspirasyon ni Gilda upang pasukin ang mundo ng pagsusulat ng komiks bilang karera. Ang kaniyang kauna-unahang akda ay isang comedy, ang Cha Lee's Angels na hinalaw sa isang sikat na American TV series noong dekada 70's. Ngunit natuklasan niya ang kaniyang angking galing sa pagsusulat ng mga romance-drama nang isilang ang isa pang obra- ang kaniyang ikalawang komiks-novel na Kapag Puso ang Nasasakdal. Lumabas ito sa mga pahina ng komiks ng Atlas Publications.

[baguhin] Mga Akda sa Pelikula at Telebisyon

Nagsulat siya ng mga romance novels para sa Valentine Romances, Twin Hearts, at Gemini pocketbooks at mga radio drama serials, ang Dahlia, na inere sa DWWW. Noong 1993, nagsimula siyang maglathala ng sarili niyang mga romance novels.

Nilikha niya ang mga nobela sa komiks na naging mga blockbuster na pelikula tulad ng Sinasamba Kita (1982), Kung Mahawi man ang Ulap (1984), Babangon Ako at Dudurugin Kita (1989), at Dapat Ka Bang Mahalin? (1984). Bukod sa mga bantog niyang akda, nagsusulat din si Gilda ng nobela, ang Erotika para sa tabloid na Abante, partikular sa seksyong Brilgint.

Noong dekada '80, isinulat ni Gilda ang iskrip para sa ilan sa kaniyang mga nobela sa komiks na binigyang buhay sa pelikula. Ilan dito ang Sinasamba Kita (1982), Dapat Ka Bang Mahalin? (1984), Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (1985), Huwag Mo Kaming Isumpa (1986), Pinulot Ka Lang sa Lupa (1987), Saan Nagtatago Ang Pag – ibig (1987), Magkano ang Iyong Dangal? (1988), Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988), Kung Kasalanan Man (1989), at Babangon Ako't Dudurugin Kita (1989).

Kabilang naman sa mga pelikulang isinulat niya ang iskrip ay ang mga pelikulang Tayo na sa Dilim (1990), Maya (1990), at Bakit Kay Tagal ng Sandali (1990).

Sa kasalukuyan, ang mga nobela at komiks na akda ni Gilda ay binibigyan ng mga bagong rendisyon sa telebisyon. Naging co-writer siya sa mga telenobelang nagtampok sa kaniyang mga akda tulad ng Sinasamba Kita (2007), Kung Mahawi Man ang Ulap (2007), Babangon Ako't Dudurgin Kita (2008) at Dapat Ka Bang Mahalin? (2009). Dagdag pa rito ay naging co-writer siya ng mga pang-hapong melodrama na My Only Love (2007-2008) at Kaputol ng Isang Awit (2008) sa GMA-7.

[baguhin] Parangal

Ang kaniyang istorya para sa pelikulang Saan Nagtatago ang Pag - ibig? noong 1987 ang nagbigay sa kaniya ng parangal bilang Best Story sa 36th FAMAS AWARDS noong taon ding iyon. Siya rin ay naging isa sa mga nominado sa FAMAS ng Best Story para sa mga pelikulang Sinasamba Kita, Kung Mahawi Man ang Ulap, at Huwag Mong Itanong Kung Bakit.

Siya ay kasalukuyan pa ring aktibo sa pagsusulat ng komiks at mga pocketbooks para sa ilang mga publikasyon. Ilan sa kaniyang mga bagong akda ay ang Mirasol (2007) na inilathala sa Gwapo Komiks at ang Kumurap ang Buwan (2007) sa Klasik Komiks. Ang dalawang komiks na nabanggit ay sabay na inilabas noong Setyembre 14, 2007 sa ilalim ng pamamahala ni Carlo J. Caparas subalit kinalaunan ay nabigo ang naturang mga komiks na magpatuloy pa.

Si Gilda ay ikinasal kay Ruben Marcelino na dating editor-in-chief ng Atlas Publishing at isa ring sikat na manunulat sa komiks.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.