Genoveva Edroza Matute

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang kuwentista. Isa rin siyang guro at may-akda ng maraming aklat sa Balarilang Tagalog.

Mga nilalaman

Mga Parangal

Si Edroza Matute ay ipinanganak noong 13 Enero 1915. Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.

Mga Aklat

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.<ref name="pagkabilang-buhay">Genoveva E. Matute, Tagalog writer; 94, Philippine Daily Inquirer, 24 Marso 2009</ref>

Mga sanggunian

<references />

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Genoveva Edroza Matute. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.