Genaro R. Gojo Cruz

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro, makata at manunulat ng mga akdang pambata. Siya ay higit na kilala sa kanyang akdang Ang Lumang Aparador ni Lola na nagkamit ng gantimpala sa pinagpipitaganang Palanca Awards.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Si Gojo Cruz ay tubong San Jose del Monte, Bulacan. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Education major in Social Science sa Philippine Normal University at ng M.A. major in Philippine Studies sa De La Salle University kung saan siya kasalukuyang nagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino, Panitikan at Mass Media sa Filipino. Nakapagturo rin siya ng wika at kulturang Pilipino sa mga banyaga sa Advanced Filipino Abroad Program (AFAP) noong 2004 at 2007. Naging Associate for Poetry at Writing Fellow rin siya ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center sa nasabing unibersidad. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang PhD in Philippines Studies. Sa kanyang libreng oras, nagtuturo siya sa mga batang lansangan ng Binondo.

[baguhin] Mga Gawa at Parangal

Ilan sa mga nailathalang aklat-pambata ni Gojo Cruz ay ang sumusunod: Ang Lumang Aparador ni Lola (nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca), Si Nanay Mining at ang Tatlong Kuting, Bahaghari, Ang Aking Pamilya, Ang Paborito Kong Meryenda, Mga Laruang Papel, Ang Sulatan", Ang Dyip ni Mang Tomas at "Malaking-Malaking Bahay"

Ilan sa kanyang mga tula at kuwentong-pambata ay kinilala na ng Timpalak Palanca, PBBY – Salanga Writers’ Prize, CANVAS – Romeo Forbes Story-writing Competition, the Amado V. Hernandez Awards, Gawad Collantes sa Pagsulat ng Tula at Sanaysay at ng ilang institusyon tulad ng Philippine Commission on the Filipino Language. Dalawang ulit din siyang itinanghal na Makata ng Taon (2002 at 2007).

Marami sa mga kanyang naisulat ay nalathala sa mga babasahing tulad ng Junior Inquirer Magazine, Liwayway, Pambata Magazine at ilang teksbuk sa elementarya at hay skul.

[baguhin] Mga Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.