Gayuma

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Love potion.jpg

Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inihahalo sa inumin ng gagayumahin. Ito raw ay magiging mas mabisa kung lubos ang paniniwala ng nanggagayuma sa kapangyarihan nito.

Mga nilalaman

[baguhin] Taong eksperto sa paggayuma

Ang mga taong sinasabing eksperto sa paggagayuma ay kadalasang naghahalo ng sangkap na maaring isama sa inumin ng taong gagayumahin. Ang mga negosyante ng gayuma ay sinasabing mas may nakakaalam sa paggawa ng gayuma tulad ng tamang sukat, dami o dalas ng pag-inom ng naturang timpla na ia-ayon sa bigat ng hangarin ng nagpapagayuma. Ang mga naglalako naman ay nagbibigay nag alternatibong preskripsyon na malimit ay may isinusulat sa isang papel na may kakaibang mga simbolo. Ito ay itinuturing na mas nakapagbibigay ng epekto at abilidad na matupad ang paggagayuma.

[baguhin] Paraan ng Paggamit

Ang paggamit ng gayuma ayon sa mga naniniwala dito ay ang huling pamamaraan upang mapa-ibig nila ang taong ninanais nilang makasama tulad ng naunsiyaming panliligaw, pag-ibig na hindi ginantihan o di kaya ay lihim na pagmamahal. Habang ito isinasagawa, may mga orasyong Latin ang ibinubulong ng manggagayuma ayon sa itinuturo ng naglalako. Ang dalas ng pagsambit ng orasyon ay nakaka-apekto sa pagtupad ng gayuma.

[baguhin] Sangkap

Mula sa pinaniniwalaan ng ninuno, ang sangkap ng gayuma ay karaniwang galing sa likas at organikong materyales. Ang mga sangkap ay mula sa iba't-ibang bagay mula sa halamang-damo, ugat ng halaman at bahagi ng hayop at insekto, hanggang sa mamahaling bato, korales, at maliliit na sanga.

[baguhin] Iba pang Pang-akit

Ilan sa layon ng gayuma ay pagkakabalikan ang dalawang taong nagmamahalan, mang-agaw ng isang taong may iba ng mahal o di kaya ay tapusin ang isang relasyon. Ngunit ang ganitong mga klase ng orasyon ay ginagawa lamang ng mas may karanasan na caster. Maliban sa paggamit ng potion at orasyon, ang iba ay gumagamit din ng maliliit na pulang supot na may lamang batong maliit, buhok, buto o di kaya ay bulabod. Kapag ito daw ay isinuot, magiging mas kaakit-akit at kahalina-halina ang taong magsusuot nito.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.