Gary Valenciano

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Total Performer, Gary Valenciano

Si Edgardo Jose Martin Santiago Valenciano o Gary Valenciano ay isang sikat na mang-aawit, mananayaw, prodyuser, arranger, tagasulat ng titik ng kanta at aktor sa Pilipinas kung kaya't siya ay tinaguriang "Mr. Pure Energy" at "Total Performer".

Sa loob ng dalawampu't-limang taon sa mundo ng musikang Filipino, pinatunayan ni Gary ang angkin niyang talento sa lahat ng kanyang naging mga pagtatanghal sa loob at sa labas ng bansa.

Noong 1998, siya ay itinalaga bilang National Ambassador of Goodwill para UNICEF, patunay at pagkilala sa kaniyang magandang impluwensiya sa laranagan ng musikang Filipino.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-Ugatan

Isinilang si Valenciano noong ika-6 ng Agosto 1964 sa Sta. Mesa, Maynila. Siya ang ika-anim na anak sa pitong mga supling nina Vicente Valenciano, isang Pilipino at Grimilda Santiago, isang Puerto Rican. Siya ay kasal kay Ma. Anna Elizabeth Pangilinan (o mas kilala sa Angeli Pangilinan) kung saan sila ay may tatlong anak na sina Juan Paolo Martin, Jose Angelo Gabriel at Kristina Maria Mikaela.

Nakatapos ng elementarya at sekundaryang edukasyon si Valenciano sa La Salle Greenhills. Siya ay naging miyembro ng tanyag na grupong, Kundirana noong siya'y nasa high school pa lamang. Dito nagsimula ang kaniyang pagsasanay na maging isang magaling na mang-aawit. Simula noon ay nagtuluy-tuloy na ang kaniyang pagkahilig sa musika.

[baguhin] Karera sa Industriya ng Musika

Si Gary ay unang nakita sa palabas sa telebisyon na, Pilita and Jackie Show noong 1982. Ngunit mas napansin ang kaniyang galing sa pag-awit sa mga palabas na Germspesyal at Penthouse Live. dahil doon, nagkaroon siya ng sunud-sunod na pagtatanghal sa Tavern on the Square. Noong 1984, siya ay nagtanghal ng isang malaking konsiyerto sa Araneta Coliseum na pinamagatang, Gary V: A-Live na tunay na naging matagumpay. Simula noon, taon-taon na siyang nagtatanghal ng matatagumpay na konsiyerto na tunay na nakadagdag sa pagsulong ng kaniyang katanyagan.

[baguhin] Diskograpiya

  • Gary Valenciano (1984)
  • Gary - Next (1985)
  • Gary Inside Out (1986)
  • From Gary, Merry Christmas (1986)
  • Moving Thoughts (1987)
  • Faces of Love(1989)
  • Heart & Soul Live (1989)
  • Shout 4 Joy (1991)
  • Dancin’ in the Moonlight (1992)
  • Shout Live!
  • Hataw Na (1993)
  • Move Live! (1995)
  • Out of the Dark (1995)
  • Outside Looking In (1995)
  • Greatest Hits (1998)
  • Interactive (1999)
  • Revive (2000)
  • One2One (2002)
  • Beyond Words (2002)
  • I Will Be Here (2003)
  • At The Movies (2003)
  • Soul Full (2005)
  • Pure Heart (2005)
  • Relevance (2006)
  • Rebirth (2008)

[baguhin] Karera sa Ibang Bansa

Ang unang pagtatanghal ni Gary Valenciano ay sa Singapore noong 1984. Binigyan si Valenciano ng ilang mga papuri mula sa ibang bansa tulad ng: Artist in Excellence Award (Fil-American Exposition, Abril 13, 1996) sa Fairplex, California; International Entertainer of the Year (Sheraton Desert Inn, Mayo 1995) sa Las Vegas, Nevada; Achievement Award for Outstanding Performance (San Diego Sports Arena, Disyembre 5, 1992) sa San Diego, California at Special Asian Award (14th Tokyo Music Festival International Competiton, Marso 1985) sa Tokyo, Japan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa kaniyang pagtatanghal sa ibang bansa:

  • 2006 sa Las Vegas Nevada; Portland, Oregon; Canada, Vancouver; Calgary; Edmonton; Cache Creek; Pechanga, CA at sa Taj Majal Atlantic City
  • 2005 sa Houston’s Cullen Hall; Odeum Expo, Chicago; Abraham Chavez, Texas; McAllen Convention, Texas; Meanny Hall, Washington; Cache reek; Sundome Tampa, Florida; Taj Majal Atlantic City; Pechanga; Orpheaum Theater, Los Angeles; Global Village Amphitheater, Dubai; Rosebowl Stadium, Pasadena at sa Monster Park, San Francisco
  • 2004 sa Shrine Auditorium, CA; Newark Symphony Hall, New Jersey; Aladdin Hotel, Las Vegas; Lisner heater, Washington; Maranatha, Minnesota; Cache Creek; Pechanga; Performing Arts, Alaska; Anchorage; Florida Theater, Jacksonville at sa Hammersmith Apollo Theater, London
  • 2003 noong Lunar New Year Parade at Festival sa Hollywood, USA
  • 2002 sa Harbour Festival sa Hongkong
  • 2002 Naging Tagahandog sa 2002 Music Television Awards sa Singapore
  • 2002 sa Singapore Film Awards
  • 2002 sa UNICEF sa Shanghai, China
  • 2001 sa Musikmesse sa Frankfurt, Germany
  • 2000 sa Dr. Morris Cerullo’s crusade (kilalang ebanghelista) sa Morino Hall, Matsudo City, Japan
  • 2000 sa Billy Graham Convention sa Amsterdam noong July 2000
  • 1999 sa Billy Graham Convention sa Puerto Rico
  • 1997 sa Penang Pearl Awards sa Malaysia
  • Nagtanghal sa ika-5 anibersaryo ng Home Box Office (HBO) Asia
  • 1992 Nagtamo ng matagumpay na konsiyerto sa bansang Hapon na itinanghal sa Nihon Seinenkan Hall, Tokyo at matagumpay na album, "Dancin in the Moonlight, ang kaniyang pinakaunanang pandaigdigang album kortesiya ng Toshiba-EMI
  • 1990 sa "Kohaku Utagassen", espesyal na pagdiriwang sa Tokyo, Japan

[baguhin] Karera sa Industriya ng Pelikula

[baguhin] Mga Pelikula

Si Gary ay hindi lamang nakatuon sa pagiging musikero kundi siya rin ay nakilala din sa industriya ng pelikula. Nakasama niya ang ilan sa mga batikang aktres tulad nila Vilma Santos at Lorna Tolentino. Siya rin ay naging tampok sa isang musical theater na "Joseph The Dreamer"

  • Gulong (2007)
  • Colour Everywhere: Christian Bautista (2005) (TV) (bilang Gary V.)
  • SPO1 Don Juan: Da Dancing Policeman (1996) bilang pulis na naka bisikleta
  • Hataw na! (1995)
  • Kaputol ng isang awit (1991)
  • Papa's Girl (1990)
  • Kung tapos na ang kailanman (1990)
  • Natutulog pa ang diyos (1988) bilang Mark
  • Maria Went to Town (1988)
  • Ibulong mo sa Diyos (1988)
  • Di bale na lang (1987) bilang Nelson
  • Horsey-horsey: Tigidig-tigidig (1986) bilang Tintoy
  • Payaso (1986)
  • Hotshots (1984)
  • Rock-a-Bye Baby (????) bilang Mike

[baguhin] Mga Parangal

Si Gary ay nakatanggap na ng mahigit na 200 nominasyon at tropeo mula sa iba't-ibang mga tagapagbigay ng parangal hindi lamang sito sa Pilipinas kundi sa Asya at Amerika.

  • 2006 Most Well-Liked TV Male Personality ng Anak TV Seal Award
  • 2005 Hall of Fame bilang Entertainer of the Year ng Aliw Awards
  • 2005 Best Male Performer in a Major Venue para sa Thankful Concert
  • 2005 1st Generations Award ng MTV Philippines
  • 2004 Most Wholesome Male TV Personality ng Southeast Asian Foundation for Children’s TV, Anak TV Zeal Award
  • 2003 Best Male Concert Performer, XXTREME 2003 ng Aliw Awards
  • Unang artista sa buong mundo na napagkalooban ng Sennheiser Special Edition microphone na nakapangalan kay Sennheiser - ang Evolution Series 2001 – 2004
  • 2002 Best Male Performer Award ng MTV Pilipinas
  • Una at kasalukuyang UNICEF National Ambassador of Goodwill sa Pilipinas mula 1998 hanggang sa kasalukuyan
  • 2001 Ten Outstanding Young Men Awardee sa Pilipinas
  • 2000 nag host ng MTV sa Amerika na pinamagatang, "One-Cubed" para sa CBN Asia noong taong 2000
  • 1999 Favorite Male Video Award para sa awiting "Everybody Get Down" ng 1999 MTV Asia First Philippine Video Music Awards
  • Ang kaniyang Valentine show sa Hard Rock Cafe ay sinira ang lahat ng talaan sa buong Asya sa pagkakaroon ng pinakamataas na bentahan ng tiket sa loob lmang ng isang gabi.
  • 1998 Best Male Singer ng Guillermo Awards
  • 1996 Artist in Excellence Award ng Fil-American Exposition, California, USA
  • 1996 Total Entertainer of the Year ng Guillermo Mendoza Awards Scholarship Foundation
  • 1996 Best Male Entertainer ng Parangal ng Bayan
  • Mayo 10, 1996 noong idineklara ang "Gary V. Day" ni Jeremy Harris, Alkade ng Lungsod ng Honolulu, Hawaii, USA
  • Agosto 19, 1995 noong idineklara ang "Gary V. Day" ni Frank Jordan, Alkade ng Lungsod ng San Francisco, California, USA
  • 1995 First Desert Inn International Entertainer of the Year Award sa Las Vegas, USA
  • 1994 Best Actor for A Single Performance ng Star Awards for Television
  • Kumita sa takilya ang pelikula niya na kasama ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres
  • Unang Pilipinong Mang-aawit na nagtanghal sa Universal Amphitheater sa Los Angeles, California., USA
  • Ang nag-iisang Pilipinong mang-aawit na nakapagtanghal ng pinakamalaking konsiyerto sa buong kasaysayan ng Pilipinas -- halos 800,000 ang dumalo sa Luneta noong 1989


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.