Garantisadong Pambata Week

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Garantisadong Pambata Week

Ang Garantisadaong Pambata Week (GP) o (Pre-schoolers’ Week Campaign) ay ginaganap dalawang beses sa isang taon (tuwing Abril at Oktubre) sa pamamahala ng Departamento ng Kalusugan upang makapagbigay nag nararapat na serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan sa buong bansa.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Layunin

Ang programang ito ay itinatag upang bigyang halaga at importansya ang kalusugan at malinis na serbisyo para sa mga kabataan tulad ng: (1) paglunsad ng Pagpapasuso sa unang anim na buwan ng sanggol; (2) pagbibigay ng mga Go, Grow, Glow na pagkain sa mga sanggol may eded anim na buwan pataas; (3) pagbibigay ng Bitamina A sa 9 hanggang 59 na buwang taong gulang na bata at Iron sa mga batang kulang sa sustansya; (4) pagbibigay ng Iron sa mga buntis at sa mga nagpapasusuong ina; (5) pagbibigay ng Iodized Oil Capseal sa mga kababaihang nasa reproductive age upang maiwasan ang pagkakaroon ng goiter; (6) pagbibigay ng bakuna; at (7) pagbibigay ng mga pag-aaral tungkol sa halaga ng kalinisan, mga laruang ligtas sa mga bata, kalinisan sa ngipin at bibig at madaling mga lunas para sa ubo, sipon, at tigdas.

Isa rin sa mga adhikain ng programang ito ay ang mabawasan ang porsyento ng pagkakasakit at pagkamatay ng mga batang may edad lima pababa sa pamamagitan ng pagsulong ng positibong prinsipyo para sa wastong pagpapalaki at paglilinang ng mga magulang at mga tagapag-alaga.

[baguhin] Garantisadaong Pambata 2008

Ang Garantisadaong Pambata Week ay ginaganap tuwing Abril at Oktubre ng taon. Sa kasalukuyang taon, gaganapin ito sa Oktubre 13 hanggang 17. Tampok sa taong ito ang nakasanayang pamamaraan ng serbisyong pangkalusugan para sa mga bata na nagmintis sa kanilang pagbabakuna, suplemento ng Bitamina A, pagtitimbang, kalinisan ng bibig at iba pang serbisyo.

[baguhin] Tema

Ang tema ng Garantisadaong Pambata 2008 ay: "GP 8 Child Survival Package - Kids Can't Wait" na inilunsad ng Departamento ng Kalusugan upang makapagbigay ng esensyal na serbisyong pangkalusugan sa mga bata.

Ayon kay Marilyn T. Tumilba, ang Regional Nutritionist ng DOH at Regional Garantisadong Pambata (GP) Campaign Coordinator, ang tuon ng kamapanya para sa taong ito ay makapagbigay ng nararapat na serbisyong pangkalusugan upang madagdagan at panatiliin ang layuning, Millennium Development Goal 4- Reduce Child Mortality.

Ang mga sumusunod ay ang walong buod ng kampanya:

  1. bihasang pag-aasikaso sa mga buntis, mga nanganganak at kapapanganak na kababaihan;
  2. pag-aalaga sa mga bagong panganak;
  3. pagpapasuso at komplementaryong pagpapakain;
  4. pagpupurga;
  5. bakuna para sa mga sanggol at mga ina;
  6. wasto at sapat na pangangasiwa ng mga batang maysakit;
  7. prebensyon sa mga injuries at
  8. family planning

Dagdag pa ni Tumilba, ang mga ahensya ng pamahalaan na nakikipagtulungan sa Departamento ng Kalusugan ay magkakaloob ng mga esensyal na serbisyo tulad ng mga sumusunod:

  • distribusyon ng Bitamina A (1,000 IU) para sa mga batang may edad na 6-11 na buwan at 200,000 IU para sa 12-71 na buwang taong gulang;
  • distribusyon ng gamot na pang-purga para sa batang may edad na 12-71 na buwan;
  • regular na bakuna sa mga batang may edad na 0-11 na buwan; at
  • follow-up defaulters para makumpleto ang serye ng bakuna sa mga batang may edad na 12-13 na buwang taong gulang

Ang mga ito ay maipapalaganap sa mga day care centers, barangay hall, mga piling ospital, at iba pang mga lugar kung saan may mga outreach missions ang GP lalo na sa mga mahihirap mapuntahang baryo, komunindad ng mga katutubo, at mga iskwaters area.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.