Galo B. Ocampo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Galo B. Ocampo (1913–1985) ay isinilang sa Santa Rita, Pampanga noong 16 Oktubre. Kabilang siya sa Labintatlong Modernistang Pintor na Filipino noong siglo beynte.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon at Karera

Nag-aral siya ng Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts noong 1929–1934. Kumuha rin siya ng espesyalisadong kurso sa heraldry doon sa Washington, D.C. Noong 1947; numismatikong pag-aaral sa Museo ng Modernong Sining sa New York noong 1948; henealohiya at heraldry sa Madrid, Espanya noong 1956; at Sining Liturhiko sa Roma, Italya noong 1956.

Idinisenyo ni Ocampo ang sagisag ng Republika ng Filipinas. Nagturo siya ng sining sa Unibersidad ng Santo Tomas at sa Far Eastern University. Noong panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal, si Ocampo ay nagsilbing curator ng Museo ng Malacañang, at pagkaraan, Direktor ng Pambansang Museo.

[baguhin] Ilang Mga Obra

  • Brown Madonna, 1938
  • Moro Dancer
  • Igorot Dance
  • Ecce Homo (Behold the Man)
  • Shades of Things to Come, 1955
  • Christ in Flagellant

[baguhin] Mga Gantimpala at Parangal

  • ikalawang gantimpala si Ocampo noong 1941 sa Unang Pambansang Timpalak sa Sining na itinaguyod ng UST
  • ang kaniyang lahok na “United Nations” ay nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Timpalak sa Sining ng UN, 1949
  • ikalawang gantimpala, Ponding Rice, 1951
  • karangalang banggit, Igorot Dance, 1951
  • espesyal na gantimpala, Weary Traveller, 1951
  • Binigyan siya ng Gawad Araw ng Maynila noong 1964.

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Paras-Reyes, Rod. Edades and the 13 Moderns. Maynila: Cultural Center of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at Committee on Visual Arts, 1995.
  • Stangl, Jane, editor. Kayumanggi: Biographies of Philippine Visual Artists. Lungsod Quezon: Peso Book Foundation, 2000.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.