Gabriela Silang

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Gabriela Silang (Picture from ([1]).

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang “Joan d'Arc ng Ilocos”, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng rebolusyon.

[baguhin] Buhay

Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa Piddig, Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata.

Noong 10 Setyembre 1763, binalak ng grupo ni Gabriela na salakayin ang Vigan. Ngunit napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Umabot sa halos 6000 ang mga Espanyol samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela. Nagapi ang marami sa mga kasamahan ni Gabriela. Kasama ang kanyang tiyo at ang pito pa niyang mga kasamahan, sila lamang ang nakaligtas at tumakas.

Noong 20 Setyembre 1763, nadakip si Gabriela pati ang kanyang mga kasamang rebelde at pinugutan ng ulo sa Plaza ng Vigan, Ilocos Sur.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.