Francisco V. Coching

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Francisco V. Coching

Si Francisco V. Coching ay isang kwentista at manunulat sa komiks. Siya ay tinaguriang Dekano ng mga Dibuhistang Filipino at Dekano ng Komiks sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga obra ay ang Hagibis, Waldas, El Indio, at Thor.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Si Francisco V. Coching ay ipinanganak sa Buting, Pasig noong January 29,1919. Ang kanyang mga magulang ay sina Gregorio Coching, isang sikat na nobelista para sa magasin at si Juana Vicente. Sa ilalim ng pangangaral ni Tony Velasquez, ang lumikha ng seryeng Kenkoy, nabuo ni Coching ang kanyang kauna-unahang kwento noong 1934, na pinamagatang Bing Bigotilyo. Sinundan naman ito ng Marabini ngunit hindi ito natapos bunga ng pagsiklab ng pangalawang digmaang pandaigdig.

Tulad ng mga kabataan noong panahon ni Coching, sumapi din siya sa mga gerilya at nakipaglaban sa mga Hapon. Ang kanyang pangkat ay kinilala sa tusong paggamit ng mga kabaong bilang daan upang maghatid at magtago ng mga armas. Nang matapos ang digmaan noong 1945, muling nagsimula si Coching sa paggawa ng komiks. Nilikha niya ang Hagibis, na kinilala bilang katumbas ng Tarzan ng Estados Unidos. Lumabas ang seryeng ito sa Liwayway Magazine at nagtagal ito ng labin-limang taon. Dahilan dito ay nabuo ang limang aklat at isang pelikula.

Naging guro at inspirasyon si Coching sa iba pang mga manunulat ng komiks, tulad nina Federico Javinal, Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Emil Ridriguez, Noly Pangilinan, Carlos Lemos at iba pa. Sa kanyang buong karera sa komiks, nakagawa siya ng 56 na komiks at 50 doon ay ginawang pelikula.

[baguhin] Gawa

  • Satur Pilipino Komiks. Manila: Ace Publications Inc., 1950.
  • Palasig Liwayway. Manila: Liwayway Publications, 1952
  • El Indio Pilipino Komiks, 32d. Manila: Ace Publications Inc., 1952-1953.
  • Espada Liwayway Komiks. Manila: Liwayway Publications, 31 March 1952.
  • Dumagit Pilipino Komiks. Manila: Ace Publications Inc., 1953-1954.
  • Maldita Pilipino Komiks. Manila: Ace Publications Inc., 1953-1954.
  • Lapu-lapu Pilipino Komiks. Manila: Ace Publications Inc., 1954.
  • Waldas Pilipino Komiks. Manila: Ace Publications Inc., 1954-1955.
  • Gigolo Pilipino Komiks, no. 217, 24 September 1955. Manila: Ace Publications Inc.
  • Pulot-Gata Pilipino Komiks, no. 248, 1 December 1956. Manila: Ace Publications Inc.
  • Taga sa Bato Espesyal Komiks, no. 110, 24 December 1956. Manila: Ace Publication Inc., 1957
  • Laban sa Lahat Liwayway. Manila: Liwayway Publications, 1958.
  • Talipandas Espesyal Komiks, no. 138, 20 January 1958. Manila: Ace Publication Inc.
  • Berdugo Pilipino Komiks, no. 307, 7 March 1959. Manila: Ace Publication Inc.
  • Gumuhong Batayog Pilipino Komiks, no. 340, 11 June 1960. Manila: Ace Publication Inc.
  • Masikip ang Baigdig Pilipino Komiks. Manila: Ace Publication Inc., 1961-1962.
  • Mga Batikan Liwayway Komiks. Manila: Liwayway Pub., 1964.
  • La Sombra Hiwaga Komiks. Manila: Ace Publications, 1965.
  • Ang Limbas at ang Lawin Hiwagang Komiks. Manila: Ace Publications, 1966.
  • Dimasalang Liwayway Komiks. Manila: Liwayway Pub., 1969.
  • Panagupa Liwayway. Manila: Liwayway Publications., 1969.
  • El Vibora Liwayway. Manila: Liwayway Publications, 1972.

[baguhin] Parangal

  • 1959 - nominado bilang Pinakamuhasay na kwento ang kanyang Condenado(1958), Laban sa lahat (1958)at Talipandas (1958).
  • 1961 - nominado bilang Pinakamuhasay na kwento ang kanyang Gumuhong Bantayog (1960) sa FAMAS Awards.
  • 1981 - nakatanggap ng "Makasining ng Komiks Award" noong Tanging Parangal para Comics Art mula sa Manila Commission of Arts and Culture.
  • 1984 - pinarangalan siya ng KOMOPEB Life Achievement Award.
  • 1998 - binigyan siya ng Award of Excellence mula sa Pamahalaan ng Pasay.
  • 1999 - kinilala bilang Gawad Alagad Pambansa ng Sining para sa Sining Biswal.
  • 2001 - kinilalang muli bilang Gawad Alagad Pambansa ng Sining para sa Sining Biswal.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Mga Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.