Francisco T. Mañosa

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Francisco-bobby-manosa.jpg

Si Francisco T. Mañosa ay arkitektong Filipino na nagdisenyo ng sari-saring gusali, bahay, pamayanan, at kaugnay na bagay na pawang nagtataglay ng kaakuhan ng Filipinas. Itinuturing ng mga kapuwa arkitekto si Mañosa na pasimuno ng katutubong arktekturang Filipino. Sinikap niyang ihayag ang mga tradisyonal na anyo samantalang ginagamit ang bagong teknolohiyang makapagpapahusay ng katutubong materyales na gaya ng kawayan, ratan, at niyog. Kabilang sa kaniyang tinamong parangal ang sumusunod: Ten Outstanding Filipino (TOFIL) Award (2004), Likha Gold Medal Award, at Most Outstanding Professional of the Year Award. Malimit siyang magbigay ng mga panayam hinggil sa arkitekturang Filipino sa mga pangunahing unibersidad sa Filipinas, Singapore, Thailand, Indonesia, at Malaysia.

Si Mañosa ang Kasamang Tagapamahala ng Francisco Mañosa & Partners; Fellow ng United Architects of the Philippines; Honorary fellow ng Philippine Institute of Architects; at ikalawang pangulo ng Unibersidad ng Santo Tomas, College of Architecture Alumni Association. Nagtapos siya ng BS Architecture noong 1953 sa UST. Itinampok ang kaniyang mga arkitektura sa iba't ibang magasin at aklat sa buong mundo.

[baguhin] Pananaw

Naniniwala si Mañosa na ang arkitektura ay nabubuo sa kaligiran ng isang tao. Ang mga espasyo at anyo ng gusali ay karaniwang nababahiran ng mga panlipunan at pangkulturang gawi at kinagisnan. Bumubuo aniya ang mga Filipino ng mga espasyong maaliwalas, maluwag, at maraming gamit. Iminumungkahi rin niya na ang disenyo ng arkitektura ay dapat umayon sa klima ng Filipinas, kaligiran, at makabagong teknolohiya upang maging salamin ng kasalukuyang arkitektura.

[baguhin] Sanggunian


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.