Francisco Benitez
Mula Wikifilipino
Si Francisco Benitez (4 Hunyo 1887 – 30 Hunyo 1951) ay isang guro, awtor, editor, at unang dekano ng Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nilalaman |
Buhay
Nakapag-aral si Benitez sa Philippine Normal College, noong 1904, at nakabilang sa mga unang pensyonados na pinadala sa Amerika noong 1905. Naging mag-aaral sa Western Illinois State College noong 1908. Nagkamit ng diploma sa Batsilyer ng Edukasyon (1910) at Masteral ng Sining (1910), sa Columbia University.
Pagbalik ng Filipinas, nakamit niya ang Doktorado ng Batas (honoris causa) sa University of Manila, noong 1929, at Doktorado ng Edukasyon (honoris causa) sa National University, noong 1951.
Naging direktor ng Office of Private Education at Secretary of Public Instructions noong 1946. Bilang manunulat, ang Educatinal Progress in the Philippines and Studies of Great Filipino ay isa sa nalathalang likha ni Benitez.
Natanggap ni Benitez ang “Teacher of Teachers Award”, na galing kay Pang. Elpidio Quirino noong 1948, at “Teacher of the Year Award”na ginawad ng UP College of Education Alumni noong 1950.
Sanggunian
- National Historical Institute. Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Maynila: National Historical Institute, 1993
Panlabas na kawing
- Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Francisco Benitez
Pagkilala
| Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |







