Flores de Mayo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Flores de Mayo

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Flores de Mayo

Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.

Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.

Mga Rituwal

Flores de Mayo

Karaniwang rituwal na nagaganap tuwing Flores de Mayo sa buong buwan ng Mayo ay ang tinatawag na Alay sa Birhen o Alay kay Maria bilang debosyon kay Birheng Maria. Ang mga mamamayan ay namumupol ng makukulay na bulaklak upang palamutian ang altar ng simbahan tuwing hapon. Ang mga batang babae naman (na kadalasang nadadamitan ng puting baro, na animo'y mga anghel) ay nagsasaboy ng mga bulaklak habang naglalakad papunta sa harap ng altar. Ang mga kadalagahan naman ay may hawak na maliliit na kawayan na may letrang bumubuo sa salitang AVE MARIA. Susundan naman ito ng mga deboto na mag-aalay ng bulaklak kay Maria kasabay ng pag awit at pagbigkas ng rosaryo.

Ang awit para sa pag-aaalay ng bulaklak ay ang sumusunod:

  1. if:
{{#if:|
border: 1px solid #AAAAAA;

}}" class="cquote"

width="20" valign="top" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:280% 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px Tuhog na bulaklak, sadyang salit-salit,

Sa mahal mong noo'y aming ikakapit,

Lubos ang pag-asa nami't pananalig,

Na tatanggapin mo, handog na pag-ibig,

Lubos ang pag-asa nami't pananalig,

Na tatanggapin mo, handog na pag-ibig!

width="20" valign="bottom" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:280% 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px
{{#if:|

—{{{4}}}{{#if:|, {{{5}}}}}

}}

}}

Bahagi ng naturang okasyon ang kaugaliang pagdaraos ng siyam na araw na nobena bago ang Flores de Mayo. Sa ibang mga parokya, ang tugatog ng selebrasyon ay ang prusisyon na tinatawag na Santacruzan. Ito ay pagdiriwang sa pag-alaala sa pagkakatagpo ng Banal na Krus sa Herusalem ni Santa Elena, ang ina ni Prinsipe Constantino. Sa selebrasyong ito, ang mga kabataang babae ay nakasuot ng magagarang pormal na damit na sumasagisag sa "Accolades of Our Lady" na may konsorteng mga kalalakihan.

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.