Florentino T. Collantes

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Florentino Tansioco Collantes, kilala rin bilang Kuntil Butil, ay isang makata at manunulat. Isa siya sa mga naunang makata na gumamit ng tula para sa mga politikal na kritisismo noong panahon ng Amerikano. Kilala rin siya bilang isang magaling na duplero.

Mga nilalaman

Buhay

Si Collantes ay ipinanganak noong 16 Oktubre 1896 sa Pulilan, Bulakan. Nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan noong elementarya sa Pulilan at sa Bulacan High School sa Malolos. Naging guro siya sa loob ng dalawang taon, at pagkatapos ay nagtrabaho sa Bureau of Lands. Sa murang edad, nagbabasa at nagmememorya na siya ng mga awit, korido at pasyon. Bihasa rin siya sa salitang Tagalog, gayundin sa Pampango, Ilokano at Bisaya.

Nagsimulang mag-ambag si Collantes ng mga tula sa gulang na 15. Kabilang dito ang mga pahayagan na Buntot Pagi, Pagkakaisa, Watawat, Pakakak at Ang Bansa.

Siya rin ang naging pangunahing katunggali ni Jose Corazon de Jesus. Noong 1924, nagdebate si Collantes at de Jesus, sa unang balagtasan na naganap noon sa Instituto de Mujeres.

Mga Akda

Mga Tula

  • Ang Lumang Simbahan
  • Ang Magsasaka
  • Parangal sa Bagong Kasal
  • Ang Patumpik-tumpik
  • Ang Tulisan
  • Labindalawang Kuba
  • Ang Pagsalubong
  • Nuno sa Punso
  • Balugbugan: Aguinaldo vs. Quezon

Nobela

  • Ang Lumang Simbahan, 1928
  • Barasoain: Baras ng Suwail, 1929
  • Aladin at ang Kanyang Mahiwagang Lampara, 1946
  • Ang Ulilang Milyonarya
  • Nabuksan ang Langit, 1947

Maikling Kwento

  • Si Andong Tubig
  • Ang Asong Bayani

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.