Fernando Amorsolo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: Mayo 30, 1892 | }} {{#if: {{#if:|[[26 {{#if:4|{{#switch:{{#if:4|{{#switch:4|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:4<0|{{#ifexpr:((4)round 0)!=(4)|{{#expr:12-(((0.5-(4))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(4))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+4)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}}]]|[[{{#if:4|{{#switch:{{#if:4|{{#switch:4|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:4<0|{{#ifexpr:((4)round 0)!=(4)|{{#expr:12-(((0.5-(4))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(4))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+4)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}} 26]]}} 1972 (aged {{#expr:( 1972 )-( 1892 )-(( 4 )<( 5 )or( 4 )=( 5 )and( 26 )<( 30 ))}}) | }} {{#if: Maria del Carmen Zaragoza | }} {{#if: Pedro Amorsolo
Bonifacia Cueto | }} {{#if: | }}
Fernando Cueto Amorsolo
Amorsolo.jpg
Estado {{{estado}}}
Kapanganakan Mayo 30, 1892
Paco, Maynila
Kamatayan [[26 {{#if:4|{{#switch:{{#if:4|{{#switch:4|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:4<0|{{#ifexpr:((4)round 0)!=(4)|{{#expr:12-(((0.5-(4))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(4))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+4)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}}]]|[[{{#if:4|{{#switch:{{#if:4|{{#switch:4|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:4<0|{{#ifexpr:((4)round 0)!=(4)|{{#expr:12-(((0.5-(4))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(4))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+4)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}} 26]]}} 1972 (aged {{#expr:( 1972 )-( 1892 )-(( 4 )<( 5 )or( 4 )=( 5 )and( 26 )<( 30 ))}})
Maynila
Asawa Maria del Carmen Zaragoza
Mga Magulang Pedro Amorsolo
Bonifacia Cueto
Palayaw {{{othernames}}}


Si Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892- 26 Febrero 1972) ay isa sa pinakakilalang Pilipinong pintor at ang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Kilala siya para sa kanyang mga dibuho na pinapakita ang kaggandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina.

Mga nilalaman

Kabataaan

Ipinangnanak siya sa Paco, Maynila. Ang kanyang ama, si Pedro Amorsolo ay isang bookkeeper. Ang ina niya, si Bonifacia Cueto, ay pinsan ng pintor na si Fabian de la Rosa, na naging pinakamalakas na impluwensya sa estilo ng pagpipinta ni Amorsolo.

Lumaki sa Daet, Camarines Sur si Amorsolo hanggang 13 na taong gulang siya at namatay ang kanyang ama. Ang pamilyang Amorsolo ay bumalik sa Maynila upang matulungan sila ni De la Rosa. Tinuruan si Amorsolo na gumuhit at magpinta nito. Natulungan ni Amorsolo ang kanyang ina na naging burdadora na isuporta ang pamilya sa pamamgitan ng paggawa at pagbenta ng mga postcards.

Edukasyon

Nag-aral si Amorsolo sa Liceo de Manila simula ng 1909. Nakita ang galing niya sa pagguhit at pagpinta dito. Pumunta siya sa Unibersidad ng Pilipinas para mag-aral ng pagpipinta sa School of Fine Arts nito kung saan nagtuturo si De la Rosa. Habang nag-aaral, sumali siya sa mga paligsahan at nagsilbing ilustrador para sa mga magasin at komiks, at nagdisenyo ng mga muebles upang kumita at matulungan ang kanyang pamilya. Nang nagtapos siya noong 1914, binigyan siya ng medalya ng parangal.

Pinaaral siya ng pilantropong si Enrique Zobel de Ayala sa sa Escuela de San Fernando sa Madrid, Espanya. Dumalo din siya sa New York. Sa Europa at Amerika, na-obserbahan niya ang iba-ibang estilo ng pagpinta. Ang pinakahilig niya ay ang estilo ni Diego de Velazquez, na isang lumang maestro.

Karera

Maraming ginawa si Amorsolo na iba-ibang klaseng dibuho, lalo na mga dibuho ng mga tao, tanawin, at mga makasaysayang pangyayari. Halos lahat ng mga gawa niya ay representasyon ng pinakamagandang mga aspeto ng Pilipinas at ipinapakita ang kanyang nasyonalismo. Pinalaganap niya ang kagandahang Pilipina: balat ay kayumangging kaligatan, mamula-mula ang pisngi, bilog ang mukha, buhay na mata, maikli ngunit pansin ang ilong, at malambot at kawili-wiling labi. Kilala rin si Amorsolo sa kanyang pagkabihag ng liwanag ng Pilipinas at ang kanyang paggamit ng backlighting--sa likod ng mga taong pinipinta ang ilaw upang mas kapansin-pansin sila.

Nagpinta din siya ng mga eksena mula sa sinaunang panahon ng Pilipinas. Noong panahon ng ika-2 Digmaang Pandaigdig, ginuhit niya ang mga pangyayari gaya ng pagbomba sa Maynila. Ang mga ito lamang halos ang mga dibuho niyang hindi tahimik at masaya.

Sa umpisa ng kanyang karera bilang pintor, kailangan niyang magsilbing ilustrador pa irn para sa mga magasin at komiks. Subalit, nang naging paborito siya, nasuportahan na niya ang kanyang pamilya sa kanyang pagpipinta, lalo ng dahil lahat ng mga kilala at mayayaman ay gusting magpaguhit ng kanilang sarili sa kanya.

Tulad ng kanyang tiyuhing si De la Rosa, naging direktor rin siya ng School of Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas, mula 1938 hanggang sa kanyang pagretiro noong 1952. Walang tigil si Amorsolo sa pagpinta kahit naapektuhan ang siya ng kanyang diabetes at kulaba sa kanyang mata sa mga huling taon ng buhay niya. Malaki ang pamilya na kailangan niyang suportahan dahil may 14 siyang anak. 6 na ito ay anak niya sa una niyang asawa na si Salud Jorge na pinakasalan niya noong 1931. Namatay si Salud noong 1931. Sunod na pinakasalan ni Amorsolo ay si Maria del Carmen, at nagka-8 anak sila. Lagi siyang nanatiling maprinsipyo gaano man kailangan niya ng pera: lahat ng kanyang mga ipininta ay orihinal; kapag may humingi sa kanya ng kopya ng nagawa na niyang dibuho, gumagawa siya ng bagong dibuho na magkahawig ngunit hindi simpleng kopya lamang.

Marami siyang kaibigang kilala sa dako ng sining, gaya ni Guillermo Tolentino. Marami rin siyang estudyante na naging kilalang pintor. Ang nakababata niyang kapatid, si Pablo, ay naging pintor din.

Namatay si Amorsolo sa Maynila noong 26 Pebrero 1972. Ipinarangal siya bilang ang unang Pambansang Alagad ng Sining ilang araw pagkayao niya.

Ilan sa kanyang mga gawa

  • 1920 – My Wife, Salud
  • 1921 – Maiden in a Stream, GSIS Collection
  • 1922 – Rice Planting
  • 1928 – El Ciego, Central Bank of the Philippines Collection
  • 1931 - The Conversion of the Filipinos
  • 1936 – Dalagang Bukid, Club Filipino Collection
  • 1939 - Afternoon Meal of the Workers (also known as Noonday Meal of the Rice Workers)
  • 1942 - The Rape of Manila
  • 1942 - The Bombing of the Intendencia
  • 1943 – The Mestiza, National Museum of the Philippines Collection
  • 1944 - The Explosion
  • 1945 - Defense of a Filipina Woman’s Honor, oil on canvas (60.5 in x 36 in)
  • 1945 - The Burning of Manila
  • 1946 – Planting Rice, United Coconut Planters Bank Collection
  • 1958 – Sunday Morning Going To Town, Ayala Museum Collection
  • The First Baptism in the Philippines - Cebu High School
  • Princess Urduja
  • Sale of Panay
  • Early Sulu Wedding
  • Early Filipino State Wedding
  • Traders
  • Sikatuna
  • The First Mass in the Philippines
  • The Building of Intramuros
  • Burning of the Idol
  • Assassination of Governor Bustamante
  • Making of the Philippine Flag
  • La destruccion de Manila por los salvajes japoneses (The Destruction of Manila by the Savage Japanese)
  • Bataan
  • Corner of Hell
  • One Casualty
  • El Violinista (The Violinist)

Ilan sa kanyang mga kagawaran

  • 1908 – Pang-2 gantimpala, Bazar Escolta (Asocacion Internacional de Artistas), para sa Levendo Periodico
  • 1922 – Unang gantimpala, Commercial and Industrial Fair sa Manila Carnival
  • 1925 - Solo na eksibit sa Grand Central Art Galleries in New York
  • 1927 - Unang gantimpala, General Painting sa Manila Carnival Commercial and Industrial Fair
  • 1929 – Unang gantimpala, sa New York’s World Fair, para sa Afternoon Meal of Rice Workers
  • 1940 – Outstanding University of the Philippines Alumnus Award
  • 1959 – Medalayang ginto, UNESCO National Commission
  • 1961 – Gawad Rizal Pro Patria
  • 1961 – Honorary Doctorate sa Humanities, Far Eastern University
  • 1963 – Diploma of Merit, Unibersidad ng Pilipinas
  • 1963 – Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, mula sa Lungsod ng Maynila
  • 1963 – Republic Cultural Heritage Award
  • 1972 – Gawad CCP para sa Sining, mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at unang Pambansang Alagad ng Sining

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.