Felix Resurreccion Hidalgo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Felix Resurreccion Hidalago (Picture from ([1]).

Si Felix Resurreccion Hidalgo (1855-1913) ay isang pintor na nakalikha ng halos 1000 na mga likhang-sining sa pagpipinta, gamit ang oil, water-color, pastels at uling. Ang paksa ng kanyang mga gawa ay mula sa mga mitolohiya hanggang sa mga makasaysayang tanawin ng lupa o dagat, at larawan ng mga tao.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak siya noong 21 Pebrero 1855 sa Binondo, Maynila at pangatlo sa pitong anak nina Eduardo Resurreccion Hidalgo at Maria Barbara Padilla.

Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at sinuportahan ni Padre Sabater. Nag-aral siya ng abogasya, ngunit hindi niya ito natapos, at tumanggap din siya ng Batsilyer sa Pilosopiya noong Marso 1871. Kasabay nito, siya rin ay nag-aral sa Escuela de Dibujo y Pintura sa ilalim ng Espanyol na pintor na si Agustin Saez.

Siya ay pinadala sa Espanya bilang pensionado noong 1879, at siya ay nag-aral sa School of Fine Arts sa Madrid. Sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral, sa halip na bumalik sa Pilipinas, nagpunta siya sa Paris at nagtayo ng sarili niyang gallery sa 43 Blvd. Arago, kung saan niya itinanghal ang kanyang mga obra ng sining.

[baguhin] Mga Obra

  • La Banca
  • Vendadora de lanzones
  • La siesta (Nap in the Afternoon), 1881
  • Senador Romano
  • Adios al sol (Farewell to the Sun), 1892 sa Exposicion Internacional de Bellas Artes sa Madrid
  • El crepusculo (The Dawn), 1893, Universal Exposition of Chicago
  • Oedipus y Antigone, El violinista, Cabeza napolitana (Head of a Neapolitan), Un religioso, atbp sa Salon sa Champs Eysees, Paris
  • Greek Philosopher at Work, 1889
  • La enferma (The Invalid), 1900
  • Per Pacem et Libertatem (Through Peace and Liberty), 1904
  • Assasination of Governor Bustamante

Mga ipininta niya para sa lokal na pamahalaan ng Espanya bilang kapalit sa kanyang study grant:

  • Governor Luis Perez Dasmariñas and his Dominican Advisor
  • Guerreros filipinos velando la tumba de su jefe (Filipino Warriors Guarding the Tomb of their Chief), 1890
  • Defeat of Limahong, 1892

[baguhin] Mga gantimpala

  • Pang-siyam na pilak na medalya, Las virgenes Cristianas expuestas al populacho (The Christian Virgins Exposed to the Populace), noong 1884 sa Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid
  • Gintong medalya, La barca de Aqueronte (The Boat of Charon), 1887, Exposicion General de las Islas Filipinas; isang pilak na medalya sa Exposicion Universelle de Paris; tumanggap ng diploma de honor sa Exposicion General de Bellas Artes of Barcelona; at isang gintong medalya sa internasyonal na exposisyon ng fine arts sa Madrid noong selebrasyon ng 400 taon na anibersaryo ng pagkakadiskubre sa Amerika.
  • Gintong medalya, Laguna estigia (The River Styx), 1887
  • Gintong medalya, para sa kanyang partisipasyon sa Universal Exposition sa St. Louis, Missouri noong 1904
  • Gintong medalya, El violinista

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • FR Hidalgo. (Hinango noong 30 Abril 2008).
  • Stangl, Jane. Kayumanggi: Biographies of Philippine Visual Artists. Quezon City: Peso Book Foundation, 2000.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.