Felipe de Leon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Felipe de Leon (Picture from ([1]).

Si Felipe Padilla de Leon (1912-1992), Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas, ay isang musikal na konduktor, iskolar at kilalang makabayang kompositor, na sinikap ipakita ang kultural na identidad ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga komposisyon. Nakapagsulat siya ng mga komposisyon para sa pyano, mga himno at martsa, art songs, chamber music, symphonic poems and overtures, opera, kundiman at sarsuwela.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon at Karera

Nagtapos si de Leon ng elementarya sa Nueva Ecija High School at pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas Conservatory of Music sa ilalim ni Antonino R. Buenaventura at Antonio J. Molina. Nagtapos siya sa UP noong 1939 at kumuha ng karagdagang pag-aaral sa komposisyon sa ilalim ni Vittorio Giannini ng Juilliard School of Music sa New York.

Naging propesor si de Leon sa UP Conservatory of Music, St. Scholastica's College, Centro Escolar University Conservatory of Music, Cosmopolitan Colleges, at Laperal Music Academy. Naging direktor siya ng departamento ng musika sa La Union College of Manila; dean ng Institute of Music ng Araneta University; regent ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; at technical assistant ng cultural affairs sa Office of the President of the Philippines.

Siya rin ang presidente ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP) at Pambansang Samahan ng mga Banda ng Pilipinas (PASAMBAP).

[baguhin] Ilang Komposisyon

  • Mariang Makiling Overture, 1939
  • Payapang Daigdig, 1946
  • Roca Encantada, 1950
  • Noli me Tangere, 1957 – Opera
  • Noche Buena, 1965
  • Pasko Na Naman, 1965
  • El Filibusterismo, 1970 – Opera
  • Maynila Overture, 1976
  • Orchesterstuk, 1981
  • Tindig, Aking Inang Bayan
  • Bagong Pagsilang
  • Ako’y Pilipino
  • Lupang Tinubuan
  • Ama Namin

[baguhin] Parangal

  • Composer of the Year, 1949 mula sa Manila Music Lovers Society
  • Musician of the Year, 1958 mula sa UP Co servatory of Music
  • Presidential Medal of Merit, 1961
  • Rizal Pro Patria Award, 1961
  • Republic Cultural Heritage Award, 1971
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1971
  • First Cultural Achievement Award, 1975 mula sa Cultural Center of the Philippines and Philippine Government Cultural Association
  • Doctor of philosophy in the humanities, 1991 mula sa UP
  • Pambansang Alagad ng Sining, 1997


[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VI. Philippine Music. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Felipe Padilla de Leon. (Hinango noong 29 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.