F. Sionil José

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si F. Sionil José o Francisco "Franky" Sionil José<ref name=NYBBuruma>"Francisco "Franky" Sionil Jose". Buruma, Ian. The Bartered Bride, binanggit dito ni Buruma ang katagang Francisco Franky Sionil José, the foremost Filipino novelist in English…, The New York Review of Books, Vol. 36, Bilang 9, Hunyo 1, 1989, nakuha noong Marso 17, 2008</ref>, isinilang noong Disyembre 3, 1924), ay isa mga pinakabantog na mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.<ref name=NYBBuruma/> Nagpapakita ang kaniyang mga nobela at maikling-kuwento ng mga sitwasyon at pakikibakang panlipunan at maging ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naisalin ang mga gawa ni José sa 22 mga wika.<ref name=BBC>Jose, F. Sionil. Sense of the City: Manila, BBC News, BBC.co.uk, Hulyo 30, 2003, kinuha noong Hunyo 14, 2007</ref><ref name=RandomHouse>Author Spotlight: F. Sionil Jose, Random House, RandomHouse.com, kinuha noong Hunyo 14, 2007</ref><ref name=Inquirer>Macansantos, Priscilla Supnet. A Hometown as Literature for F. Sionil José, Global Nation/Features, Inquirer, Inquirer.net, Abril 25, 2007, kinuha noong Hunyo 14, 2007</ref><ref name=Jrank>Yabes, Leopoldo Y. at Judson Knight. Francisco Sionil Jose Biography, Contemporary Novelists, Volume 16, Jrank.org, kinuha noong Hunyo 16, 2007</ref>

Mga nilalaman

Talambuhay

Kabataan

Si F. Sionil José ay isang Ilokanong ipinanganak sa Rosales, Pangasinan, na tagpuan sa karamihan ng kaniyang mga kuwento. Lumaki siya sa Baryo Cabugawan ng Rosales, ang bayan kung saan siya nagsimulang magsulat. Upang makatakas sa kahirapan, naglakbay ang kaniyang mga ninuno mula sa Ilokos patungo sa Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng daan ng Santa Fe. Katulad ng ibang mga pamilyang peregrino, dinala nila ang kanilang mga mahahalagang kagamitan, kasama ang mga haliging mulawin ng kanilang mga lumang bahay at ang kanilang alsong, isang dikdikan ng mga bigas.<ref name=BBC/><ref name=RandomHouse/><ref name=Inquirer/><ref name=Jrank/>

Tinanong mo ako kung bakit ako nagsusulat. Marami sa aming mga mamamayan ang hindi nauunawaan kung ano tunay na halaga ng mga sining. Iniisip nila na ang mga manunulat ay nagbibigay libang lamang. Subalit ang ginagawa ng mga manunulat ay ang lumikha ng balangkas na pangkalinangan ng isang bansa. Ibig kong mamuhay muli sa aming kasaysayan. Ibig kong bigyan ng alaala ang aming mga mamamayan. Ang baryo ang aking kinagawian. Ang maliit na bayan ang aking kinagawian. Sa maraming mga pamamaraan, hindi ko talaga tunay na nilisan ang Baryo Kabugawan."- F. Sionil José, Global Nation, Inquirer.net, Abril 25, 2007 (isinalin ang siping ito mula sa orihinal na nasa wikang Ingles)<ref>Orihinal sa Ingles: "You ask me why I write. Many of our people do not realize how important the arts are. They think writers are entertainers. But what writers do is create the cultural foundation of a nation. I want to relive our history. I want to give our people memory. My tradition is the village. My tradition is this small town. In many ways, I never really left Barrio Cabugawan."</ref><ref name=Inquirer/>}}

Isa sa pinakamahalagang impluho kay José ang kaniyang ina, na ginawa ang lahat upang mabigyan si José ng mga paborito niyang aklat, habang sinisiguradong hindi magugutom ang kaniyang pamilya bagaman nagdaranas ng kahirapan at kawalan ng aring-lupa. Nagsimulang magsulat si José noong nag-aaral siya sa elementarya, kung kailan nagsimula siyang magbasa. Sa ikalimang grado, binuksan ng isa sa mga guro ni José ang silid-aklatan para sa mga mag-aaral, na naging dahil kung bakit nabasa ni José ang mga nobela ni Jose Rizal, ang My Antonia (Aking Antonia) ni Willa Cather, mga gawa nina Faulkner at Steinbeck. Napaluha si José nang mabasa niya ang kuwento tungkol kina Basilio at Crispin sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal, sapagkat hindi nakikilala ni José ang kawalan ng katarungan. Noong limang taong gulang na si José, umiiyak na ipinakita sa kaniya ng isang lolong naging sundalo noong kapanuhan ng pagaalsang Pilipino ang lupang dating sinasaka ng kanilang pamilya subalit kinamkam ng mga mayayamang mestisong may-lupa, na nakaaalam kung paano gamitin ang sistema laban sa mga hindi nakapag-aral at mangmang, katulad ng lolo ni José.<ref name=BBC/><ref name=RandomHouse/><ref name=Inquirer/><ref name=Jrank/>

Buhay bilang manunulat

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-aral si José sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit hindi nagpatuloy at piniling magsulat at maging mamahayag sa peryodiko sa Maynila. Sa sumunod na mga taon, naging patnugot siya ng sari-saring mga palimbagang pampanitikan at pampahayagan, nagsimula siyang magtayo ng isang bahay-palimbagan, at itinatag niya ang sangang pang-Pilipinas ng PEN, isang organisasyong pandaigdigan ng mga manunulat. Tumanggap si José ng maraming mga premyo para sa kaniyang mga gawa. Ang The Pretenders (Ang mga Mapagbalatkayo) ang kaniyang pinakatanyag na nobela, na tungkol sa pagkaasiwa ng isang lalaki dahil sa kaniyang pinanggalingang kahirapan at sa karangyaan sa buhay ng mayamang pamilya ng kaniyang asawa.<ref name=BBC/><ref name=RandomHouse/><ref name=Inquirer/><ref name=Jrank/>

Sa kabuuan ng kaniyang karera, tinataguyod sa mga sulatin ni José ang katarungang panlipunan at mga pagbabago upang mapabuti ang mga buhay ng mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino. Isa siya sa mga kinikilalang Pilipinong manunulat sa labas ng Pilipinas, bagaman hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kaniyang bansa dahil sa kaniyang natatanging paggamit ng Pilipinong Ingles at sa mga pananaw niyang laban sa mga elitista.<ref name=BBC/><ref name=RandomHouse/><ref name=Inquirer/><ref name=Jrank/>


Sariling pag-aari ni Sionil José ang Solidaridad Bookshop, isang tindahan ng mga aklat, na matatagpuan sa kalye ng Padre Faura sa Ermita, Maynila. Nagbebenta ang tindahan ng mga aklat ng mga librong mahirap hanapin at ng mga babasahing Pilipinyana (Filipiniana). Sinasabing kinahihiligan itong puntahan ng mga lokal na manunulat.<ref name=BBC/><ref name=RandomHouse/><ref name=Inquirer/><ref name=Jrank/>

Mga gawa

Mga mga nobelang Rosales (ang Rosales Saga)

Isang serye na may limang-nobela ang saga ng Rosales, na sumasakop sa tatlong dantaon ng kasaysayan ng Pilipinas, na binabasa sa buong mundo at naisalin sa 22 mga wika:

Mga orihinal na nobelang kinapapalooban ng Saga ng Rosales

Iba pang mga nobela

Kalipunan ng mga maikling-kuwento

Mga tula

  • Questions (1988)

Mga sanaysay at hindi-kathang-isip

  • In Search of the Word (Palimbagan ng Pamantasan ng De La Salle, Marso 15, 1998) ISBN 9715552641 at ISBN 978-9715552646
  • We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage
  • Soba, Senbei and Shibuya: A Memoir of Post-War Japan ISBN 9718845313 at ISBN 978-9718845318
  • Heroes in the Attic, Termites in the Sala: Why We are Poor (2005)
  • This I Believe: Gleanings from a Life in Literature (2006)
  • Literature and Liberation (kasamang may-akda) (1988)

Mga aklat na pambata

  • The Molave and The Orchid (Nobyembre 2004)

Mga naisalin sa ibang wika

Nasa mga antolohiya

  • Tong (a short story from Brown River, White Ocean: An Anthology of Twentieth-Century Philippine Literature in English ni Luis Francia, Palimbagan ng Pamantasa ng Rutgers, Agosto 1993) ISBN 0813519993 at ISBN 978-0813519999

Nasa mga dokumentaryong pelikula

Mga premyo at parangal

Mga siping ukol kay F. Sionil José

Mga pamagat

  • Frankie Sionil José: A Tribute ni Edwin Thuboo (patnugot), Times Academic Press, Singapore, Enero 2005 ISBN 9812104259 at ISBN 978-9812104250
  • Conversations with F. Sionil José ni Miguel A. Bernard (patnugot), Vera-Reyes Publishing Inc., Pilipinas, 304 pahina, 1991
  • The Ilocos: A Philippine Discovery ni James Fallows, The Atlantic Monthly, Tomo 267, No. 5, Mayo 1991
  • F. Sionil José and His Fiction ni Alfredo T. Morales, Vera-Reyes Publishing Inc., Pilipinas, 129 pahina

Sipi ng mga pagsusuri

Mga talasanggunian

Mga talababa

<references />

Bibliograpiya

Tingnan din

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa F. Sionil José. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.