Eros S. Atalia

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Eros S. Atalia ay isang kontemporaryong manunulat na kilala sa kanyang mga akda gaya ng “Ligo na U, Lapit na Me,” “Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako,” “Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)," at iba pa.


Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Nagtapos si Eros Atalia ng Batsilyer sa Pagtuturo ng Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (Philippine Normal University o PNU) noong 1996 kung saan naging manunulat siya mula 1993 hanggang 1995 sa The Torch, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng PNU. Itinanghal siya bilang pinakamahusay na major mula 1994 hanggang 1996 at tumanggap ng Gawad Balagtas.

Kumuha siya ng Pagdadalubhasa ng Sining sa Wika at Panitikang Filipino (MALL-Fil) sa Pamantasang De La Salle-Maynila (De La Salle University) noong 2008.

[baguhin] Mga Akda

Narito ang mga aklat na naisulat ni Eros Atalia:


Nagsulat din siya sa mga pambansang pahayagan at naging isa sa mga editor ng “Kamasutra” na isinalin sa Filipino. Naging creative consultant din siya ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph.


[baguhin] Propesyon

Kasalukuyang nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters si Atalia sa Pamantasan ng Santo Tomas kung saan junior associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Madalas din siyang imbitahan bilang kasapi ng panel at tagapagsalita sa mga lokal at pambansang kumperensiya, seminar at palihan sa linggwistika, panitikan, malikhaing pagsulat, peryodismo, at pagtuturo.

[baguhin] Mga Parangal

Narito ang ilan sa mga parangal na iginawad kay Eros Atalia mula sa iba't ibang paligsahan at institusyon:

[baguhin] Tula

[baguhin] Sanaysay

  • “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika)” - Ikatlong Gantimpala, Gawad Collantes sa Sanaysay, 2004

[baguhin] Maikling Kwento


Naging Fellow din siya sa Gawad Soc Rodrigo noong 2007 at sa UP-ICW Writers Workshop ng taong ding iyon.


[baguhin] Sanggunian



[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.