Eric Buhain

Mula Wikifilipino

Si Joseph Eric Buhain ay isang tanyag na Filipinong manlalangoy (swimmer), na nakapag uwi ng mga medalya para sa Filipinas nang siya ay lumahok sa Southeast Asian Games.

Ipinanganak si Buhain na may karamdaman sa baga, at pinayuhan ng kaniyang doktor na pumasok sa larangan ng isports upang bumuti ang kalagayan ng kaniyang kalusugan. Hindi inakala ni Buhain na kaniyang simpleng paglangoy ay naging susi ng kaniyang tagumpay. Pitong taong gulang pa lamang si Buhain nang isali siya ng kaniyang magulang sa dalawang linggong pagsasanay sa paglangoy, ngunit naantala ito dahil nagkaroon siya ng Hepatitis, pero hindi ito ang naging dahilan upang itigil ang kaniyang pagsasanay. Makalipas ang isang taon, muling nagsanay at kumuha nang mas mataas na antas ng pagsasanay sa larangan ng paglangoy, at ng si Buhain ay siyam na taon gulang, siya ay sumali sa koponan ng kanilang paaralan at nagwagi ng gintong medalya para sa De La Salle Santiago Zobel Schooll.

Nilalaman

Mga Tagumpay

Si Buhain ay representante ng Filipinas sa 1989 Southeast Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, at nahigitan niya ang rekord sa larangan ng swimming noong taong iyon. At noong 1991 Southeast Asian Games, na ginanap sa Filipinas, si Buhain ang may pinakamaraming inambag na gintong medalya sa Filipinas. Noong 1993 Southeast Asian Games, muling lumahok sa koponan ng Filipinas si Buhain at nagwagi muli ng gintong medalya.

Chairman

Nagretiro si Buhain bilang representante ng Filipinas sa larangan ng swimming dahil sa kaniyang pagkadismya sa pamamalakad ng gobyerno hinggil sa mga ahtletang Filipino. Siya ay inatasan ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo na maging chairman ng Philippines Sports Commision, at nagpatupad si Buhain ng mga reporma sa naturang ahensya. Noong 2003, tumaas ang posisyon ng Filipinas sa talaan ng napalalunag medalya sa 2002 Asian Games. Bilang pagkilala ni Pangulong Arroyo sa kaniyang nagawa, si Buhain ay inatasan maging chairman ng Games nad Amusement Board.

Mga Kilalang Personalidad na nakasama

Eileen Ermita- Buhain, ang kanyang maybahay, na kasalukuyang nakaupo bilang isang kongresista sa unang distrito ng Batangas. Si Eileen ay anak ni Sec. Eduardo Ermita na dating Kongresista sa Unang Distrito ng Batangas. Tubong Batangas ang pamilya ng maybahay ni Eric Buhain, tubong mga politiko rin. Ang pamilya Ermita ay kilalang kilala bilang isang prominenteng pamilya hindi lamang sa Balayan, Kundi pati na rin sa Buong Batangas.

Sanggunian

Katiting

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
Proyekto Vibal Foundation
 Taguyod