Epiko

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Mga nilalaman

[baguhin] Depinisyon

Ang mga epikong Pilipino ay:

  • mga naratibong pinanatiling mahaba
  • base sa sinasambit o inuusal na tradisyon
  • umiikot sa mga pangyayaring mahiwaga
  • nasa anyo ng berso o talata na inaawit
  • may tiyak na seryosong layunin
  • kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mga mamamayan

Ang mga epikong pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na kumakatawan sa bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.

[baguhin] Bilang at Distribusyon

Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na kilala sa Pilipinas.

Karamihan sa mga natitirang epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

[baguhin] Haba

Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang 55000 na linya.

[baguhin] Rendisyon

Tulad ng ibang mga alamat, ang mga epiko ay inihahayag ng pasalita – patula o pakanta (sa iba't-ibang mga estilo); mula sa memorya, mayroon o walang saliw ng ilang mga instrumentong pangmusika. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ay grupo ng mga tao na katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.

[baguhin] Katangiang Pampanitikan

Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluranin na epiko.

Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:

  • ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
  • mga inuulit na salita o parirala
  • mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
  • kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp).
  • kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

[baguhin] Kahalagahan sa kultura

Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?

Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.


Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema

  • katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
  • mga supernatural na gawa ng bayani
  • pag-ibig at romansa
  • panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
  • kamatayan at pagkabuhay
  • pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
  • kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
  • mga ritwal at kaugalian
  • ugnayan ng magkakapamilya


Ang Lalaking Bayani

Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang mga katangian ng isang bayani. Karamihan sa kanyang mga katangian ay maiuuri sa alin man sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ring isama ang kanyang intelektwal at moral na katangian.


Ang Pangunahing Babaeng Karakter

Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy dito ang kanyang ina.


[baguhin] Ilang Epiko sa Pilipinas


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


[baguhin] Sanggunian

  • Maramba, Asuncion David. Early Philippine Literature From Ancient Times to 1940. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 2006.