Epifanio de los Santos

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Epifanio Cristobal de los Santos, isang makata at manunulat, ay ang unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academy sa Madrid. Kilala rin siya sa pangalan na Don Panyong.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay

Ipinanganak siya noong 7 Abril 1871 at ang nag-iisang supling nina Escolastico de los Santos at Antonia Cristobal. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila, at nakuha ang kanyang lisensya sa pagka-abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nasa kolehiyo, nag-aral din siya ng mga Espanyol, Ingles, Pranses, at Aleman na panitikan.

Nagsimula si de los Santos sa pamamahayag, at naglathala ng isang pahayagan, ang Libertad noong 1898, kasama si Clemente J. Zulueta. Kinalaunan, naging patnugot siya ng La Independencia at naging tagapag-ambag sa El Renacimiento, La Democracia, La Patria at Malaysia.

[baguhin] Mga Akda

  • Tagalog Literature
  • Confidential letter of Dr. Jose Rizal
  • The Tagalog Theater
  • Musical folklores of the Philippines
  • Criminality in the Philippines (1903-1908)
  • Algo de prosa (Some Prose)
  • Cuentos y paisajes Filipinos (Philippine Stories and Scenes)
  • Filipinos y filipinistas (Filipinos and Filipinists)


Gumawa rin siya ng monograpo tungkol kina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Marcelo H. del Pilar, Pardo de Tavera, at Retana. Inilathala niya rin noong 1916 ang ginawa niyang pag-aaral at ang Espanyol na salin ng awit ni Francisco Baltazar, Balagtas y su Florante.


Binawian siya ng buhay noong 18 Abril 1928 sa Maynila.

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Epifanio de los Santos. (Hinango noong 9 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.