Emilio Mar. Antonio

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Emilio Mar. Antonio ay isinilang noong 11 Disyembre 1903 sa Bulakan, Bulakan, at yumao noong 13 Mayo 1965. Kinilala siyang hari ng balagtasan noong 1954, at naging makatang lawreado dahil sa tulang "Nayon Ko." Tumanyag si Antonio hindi lamang sa entablado bagkus maging sa radyo nang ibunsod noon ang "Balagtasan sa Himpapawid." Inilathala ng Ateneo de Manila University Press ang kaniyang koleksiyon ng mga tulang pinamagatang Ang Nayon Ko at Iba pang Tula (1999) na inedit ni Roberto T. Añonuevo. Anak ni Emilio Mar. Antonio si Teo T. Antonio na isa ring makatang maipagmamalaki ng buong Filipinas.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.