El filibusterismo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang El Filibusterismo (1891) ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong ng kanyang nobelang Noli Me Tangere. Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng ika-19 na siglo sa Pilipinas. [1]

Mga nilalaman

[baguhin] Buod

Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.

Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog.

Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.[2]

[baguhin] Mga tauhan

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan sa nobela:

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Sanggunian

  1. El Filibusterismo/The Reign of Greed: Charles Derbyshire English translation binisita noong: 7 Hunyo 2011
  2. Rizal, Jose. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.