El Presidente

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
El Presidente.


Ang El Presidente ay isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival noong 2012. Kinatatampukan ito nina Jeorge “ER” Estregan, Nora Aunor, Cesar Montano, Christopher de Leon, at Christine Reyes. Mula sa produksyon ng Scenema Concept International, CMB Films at Viva Films, sa pakikipagtulungan ng San Miguel Group of Companies, Petron, Boys Scouts of the Philippines, Las Casas Filipinas de Azucar at ng Film Development Council of the Philippines, at sa direksyon ni Mark Meily, nakapag-uwi ito ng mga parangal mula sa MMFF kabilang ang Ikalawang Pinakamahusay na Pelikula.


Mga nilalaman

[baguhin] Buod

NANG MATALO NG PILIPINAS ANG MGA ESPANYOL NAGING MALAYA ANG MGA PILIPINO...PERO NOONG PANAHONG IYON GUSTONG IPAPATAY NI BONIFACIO SI AGUINALDO SAPAGKAT HINDI NILA NAPATAY ITO..NANG NAGLABAN ANG KAMPO NI AGUINALDO AT BONIFACIO ANG NAGTAGUMPAY AY ANG GRUPO NI AGUINALDO DAHIL SAMA-SAMA SILANG NAGTULUNGAN..DAHIL DITO NGPASALAMAT SILA KAY EMILIO AGUINALDO NA NAMUNA SA KANILA..NANG BUMALIK ANG MGA PILIPINO SA PILIPINAS DITO SILA NAG SAYA AT IPINAGDIWANG ANG KALAYAAN DITO RIN UANG ITINATAG ANG UNAG BANDILA NANG PILIPINAS NA PINAMUMUNUHAN NINA PRES. EMILIO AGUINALDO AT SPOLINARIO MABINI...PAG KATAPOS NANG PAGDIRIWANG MAY MGA AMERIKANONG SUMUGOD SAPAGKAT HINDI NILA NATALO ANG PILIPINAS.AT SA HULI, NAGING MATAGUMPAY SINA EMILIO AGUINALDO '

[baguhin] Mga Nagsiganap


[baguhin] Mga Reaksyon at Pagtanggap ng Publiko

Nakatanggap ng gradong “A” mula sa Cinema Evaluation Board ang pelikula. Halo-halo naman ang rebyu na naglabasan matapos itong mapanood at sinasabi ng karamihan na hindi naging maganda ang depiksyon ng pelikula ng mga pangunahing tauhan sa kasaysayan.

Sa sinulat na rebyu ni Carljoe Javier sa Rappler, sinabi niyang ang El Presidente ang pelikulang pinakamataas ang hangarin sa mga kalahok sa MMFF na bagama't may magagandang aspeto gaya ng teknikal, kinulang ang pelikula sa naratibo at nagmukhang dramatisasyon ng mga pangyayari sa kasaysayan na hindi naungkat ang tunay na pagkatao nina Aguinaldo at iba pa.

Ganundin ang sinasabi ni Mikhail Lecaros sa GMANetwork.com. Ayon sa kanya, isang “historical disappointment” ang pelikula na bagama't makabago ang paraan ng pagkakagawa dahil sa teknolohiya, hindi naging maganda ang pagkakalahad ng kwento dahil sa kakulangan ng lalim ng mga tauhan.

Sinabi ni Rommel Llanes, kinailangang humugot ng ilang tauhan sa kasaysayan upang magmukhang tunay na bida si Aguinaldo, subali't “maaaring hindi nabigyang-katarungan o maaaring nailarawan pa nang mali.” Binigyang-diin niya ang pangunahing aktor na si Ejercito bilang mamumuhunan sa pelikula at pag-aming “inspired” ang kwento sa librong isinulat ni Aguinaldo.

Ayon kay Phillip Cu-Unjieng sa kanyang isinulat sa The Philippine Star, ipinakita ng El Presidente ang mga away-pulitika na naganap noon pang panahon ng rebolusyon na siyang tunay na pangyayari. Pinuri niya ang buhay na buhay na pagpasok ng mga tauhang gaya nina Apolinario Mabini, Gregorio del Pilar, Felipe Agoncillo at iba pa dahil sa istilo na ginamit sa pelikula.


[baguhin] Mga Pagkilala at Parangal

Inuwi ng El Presidente ang karamihan sa mga parangal ng 2012 Metro Manila Film Festival—ang Ikalawang Pinakamahusay na Pelikula, Ikalawang Pinakamahusay na Aktor, Youth Choice Award, Pinakamahusay na Float, Pinakamahusay na Tunog, Pinakamahusay na Paglapat ng Musika, at Pinakamahusay na Make-up.


[baguhin] Sanggunian



[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.