Efren R. Abueg

Mula Wikifilipino

(Inilihis mula Efren Abueg)

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).

Nilalaman

Mga Parangal

Humakot ng parangal si Abueg sa gaya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).

Iba pang Gawain

Sumulat at nag-edit ng maraming sangguniang aklat si Abueg at ginagamit magpahangga ngayon sa kapuwa pribado at publikong paaralan, mulang elementarya hanggang hay-iskul tungong kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University (1965–1972), Philippine College of Commerce (1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.

Sanggunian

Panlabas na kawing

Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
Proyekto Vibal Foundation
 Taguyod