Efren "Bata" Reyes

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Itinaas ni Efren “Bata” Reyes ang kalidad at pamantayan sa paglalaro ng bilyar sa buong mundo, nangibabaw sa malalaking paligsahang internasyonal, ngunit nanatiling mapagkumbaba, maginoo, at higit sa lahat, tunay na Filipino.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Ugat

Isinilang si Reyes noong 26 Agosto 1954 sa Mexico, Pampanga at panlima sa siyam na magkakapatid. Nagmula siya sa dukhang pamilya, at ang kaniyang ama ay barbero ang trabaho. Dahil sa kahirapan, si Reyes ay ipinadala ng kaniyang ama sa Lungsod Maynila upang magtrabaho sa kaniyang tiyo. Mulang edad walo ay naging laman ng bilyaran si Reyes, at nagsimulang humawak ng tako pagtuntong ng edad siyam. Hindi maglalaon ay matututo si Reyes, at gaya sa bilyar, ay sasarguhin ang mga kalaban at uuwing hitik sa salapi ang bulsa makaraang magwagi sa mga pustahan.

Dumating ang yugtong kailangan niyang matulog sa mesa, at mangarap na maging kampeon, habang yakap-yakap ang tako. “Kapag nakatulog ako sa mesa, nananaginip ako ng bilyar,” ani Reyes. “Natutuhan kong magbilyar mula sa aking mga panaginip.”

Tinangay si Reyes ng kaniyang mga barkada at naglibot sa iba't ibang lalawigan upang makipaglaban ng bilyar. Tumanyag ang kaniyang pangalan, at hinamon siya kahit ng mga sundalo sa Clark, Pampanga at Subic, Olongapo. Nagkamal siya ng salapi, at nang lumaon, tumanggi nang lumaban ang mga kapuwa niya Filipino dahil labis umano siyang mahusay. “Noong nasa edad 18-20 ako,” sambit ni Reyes, “walang makatatalo sa akin. Alam kong ako ang pinakamagaling na manlalaro noon kahit sa buong daigdig.”

[baguhin] Mga Tagumpay

Nagsimulang magbago ang karera ni Reyes nang magtungo siya sa Estados Unidos upang lumahok sa mga paligsahan doon. Noong una'y ginamit niya ang pangalang “Cesar Morales” sa pagnanais na ikubli ang tunay na katauhan. Hindi maglalaon ay gagapiin niya ang mga kalaban, at mag-uuwi ng 8 libong dolyar mula sa pagwawagi. Mulang 1985 hanggang 2007, nakalikom si Reyes ng 75 kampeonato. Higit pa rito, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor, Philippine Order of Lakandula “Champion for Life Award,” Outstanding Filipino Awardee of the Jaycees, Philippine Sportswriters Association “Atleta ng Taon,” Billiard Congress America Hall of Fame (2003), at One-pocket Hall of Fame (2004).

Dalubhasa si Reyes sa 9-balls, 8-balls, at lumalahok kahit sa mga larong gaya ng straight pool. Dahil sa kaniyang katanyagan, kinuha siyang mag-endoso ng alak at serbesa, at lumabas sa pelikulang Pakners na tinampukan ng Fernando Poe Jr., ang tinagurang “Hari ng Pelikulang Filipino.”

Naging kabalikat ni Reyes si Jose Puyat na naging isponsor niya sa mga paligsahan sa iba't ibang bansa. Nakatulong naman si Reyes upang maipakilala ang mga negosyo ng pamilyang Puyat mulang Filipinas hanggang ibayong dagat. Ang gayong samahan, wika nga, ay pambihira't tila pinagtagpo ng tadhana upang umugit ng sobrenatural na tagumpay.

Ang sumusunod ay listahan ng mga napagwagian ni Reyes.

  • 2007 Derby City Classic Master of the Table
  • 2007 Derby City Classic One-Pocket
  • 2006 Asian 9-ball Tour (Jakarta, Indonesia)
  • 2006 IPT World 8-ball Open Championship
  • 2006 World Cup of Pool (kasama si Django Bustamante)
  • 2006 Asian 9-ball Tour (Vietnam Leg)
  • 2006 Derby City Classic One-Pocket
  • 2005 IPT King of the Hill 8-ball Shootout
  • 2005 Derby City Nine-ball Championship
  • 2005 IPT King of the Hill Eight-ball Championship
  • 2005 Asian 9-ball Tour (Jakarta Leg)
  • 2005 Japan Open
  • 2005 Derby City Classic Master of the Table
  • 2005 Derby City Classic 9-ball
  • 2005 Derby City Classic One-Pocket
  • 2004 World 8-ball Championship
  • 2004 On Cue 3: Intercontinental Conquest
  • 2004 Asian 9-ball Tour (Singapore Leg)
  • 2004 Asian 9-ball Tour (Vietnam Leg)
  • 2004 Asian 9-ball Tour (Taiwan Leg)
  • 2004 Derby City Classic Master of the Table
  • 2004 Derby City Classic One-Pocket
  • 2003 World Classic Billiards Tournament
  • 2003 Las Vegas 9-ball Open
  • 2003 Asian 9-ball Tour (Manila Leg)
  • 2003 Mid-Atlantic 9-ball Championship
  • 2003 All Japan Championship
  • 2002 World Pool League
  • 2002 Asian Eight-ball Tournament
  • 2002 Cafe Puro Challenge of the Masters
  • 2002 Shooters Labor Day Weekend Open 9-ball
  • 2002 International Challenge of Champions
  • 2001 World Pool League
  • 2001 Tokyo 9-ball Event
  • 2001 US Masters 9-ball
  • 2001 International Billiard Tournament
  • 2001 Accu-Stats 8-ball Invitational
  • 2001 Color of Money II Challenge Match (vs Earl Strickland)
  • 2000 US Open One-Pocket Championship
  • 2000 Camel Pro 8-ball Championship
  • 2000 Pennsylvania State 9-ball Championship
  • 2000 USA Billards Challenger Event 2
  • 1999 ESPN Ultimate 9-ball Challenge
  • 1999 ESPN Ultimate Shootout
  • 1999 Sands Regency Open 29 Nine-ball Championship
  • 1999 World 9-ball Championship (Cardiff)
  • 1999 Derby City Classic Master of the Table
  • 1999 Derby City Classic One-Pocket
  • 1998 World 8-Ball Championship
  • 1998 Camel South Jersey 10-Ball Open
  • 1997 PCA Shooters Challenge
  • 1997 PCA Treasure Island Resort Event
  • 1996 The Color of Money (vs Earl Strickland)
  • 1996 PBT World 8-ball Championship
  • 1996 PBT Legends of 9-ball Championship
  • 1996 Camel World 9-ball Championship
  • 1996 PBT Western Open
  • 1996 PBT Florida Flare Up III
  • 1995 Sands Regency Open 21 Nine-ball Championship
  • 1995 PBT World 8 Ball Championship
  • 1995 Pro Tour 9-ball Championship
  • 1995 Maine 14.1 Event
  • 1995 Bicycle Club VII
  • 1994 US Open 9-ball Championship
  • 1994 PBT Bicycle Club Invitational
  • 1992 International 9-ball Classic
  • 1992 World 9-ball Open (Tokyo)
  • 1990 World Cup (Taipei)
  • 1988 PBA McDermott Masters 9-ball
  • 1986 Sands Regency 9-ball Championship
  • 1985 Sands Regency 9-ball Championship
  • 1985 Red's 9-ball Open
  • 1985 Tar Heel Open
  • 1985 Willard's Open
  • 1985 Chicago Billiard Cafe Open

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.