Eduardo Villanueva

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Eduardo Villanueva ay isang televangelist at pinuno at tagapagtatag ng Jesus is Lord Church. Siya ay tatakbo sa eleksiyon ng 2010 para sa pagkapresidente ng Pilipinas bilang pinuno ng Bangon Pilipinas.

Mga nilalaman

Talambuhay

Ipinanganak si Eduardo Villanueva noong 6 Oktubre 1946 sa Bocaue, Bulacan kina Joaquin T. Villanueva at Maria Cruz Villanueva. Kasal siya kay Adoracion “Dory” Villanueva at mayroon silang apat na supling. Ang kanilang panganay na si Eduardo “Jon-jon” Villanueva, Jr. ay ang kasalukuyang alkalde ng Bocaue, Bulacan at ang isa pa nilang anak na si Joel ay kongresista naman.

Edukasyon

Nakapagtapos si Villanueva sa kursong Commerce, majoring in Economics noong 1969 sa Philippine College of Commerse (ngayong Polytechnic University of the Philippines). Habang nasa kolehiyo, sumali siya sa maraming kilusan laban sa diktadurya. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit dahil sa pagiging aktibo niya sa mga kilusan ay hindi na siya nakakuha ng bar exam.

Pagiging Pastor

Ayon sa website ng Jesus Is Lord Church, nagkaroon daw ng malaking pagbabago sa buhay ni Villanueva noong 1973 habang nakikipagtunggali siya sa sindikatong nais kumamkam ng lupain ng kanyang pamilya sa Bulacan. Himala raw na naaresto ang sindikato at dahil dito ay napuno siya ng paniniwala sa Espiritu Santo. Noong 1978, itinatag niya ang Jesus Is Lord Fellowship na naging Jesus Is Lord Church.


Pagpasok sa Pulitika

Si Villanueva ay pinakakilala bilang pinuno at tagapagtatag ng Jesus is Lord Church. Dahil sa kanyang pagsali sa pulitiko, pansamantala niyang binitawan ang kanyang tungkulin bilang Spiritual Director noong 28 Marso 2009, sa pagbubunsod ng Bagong Pilipinas Movement.

Tumakbo na siya sa pagkapangulo noong 2004 ngunit natalo siya kay kasalukuyang-presidenteng Gloria Macapagal-Arroyo at bukod roon ay nakalap pa niya ang pinakakaunting boto (6.2%) sa lima pang tumakbo bagamat maraming mga Pilipino ang naghihinalang isang malaking pangdaraya ang naganap sa halalang iyon dahil sa iskandalong Hello Garci.

Noong 21 Agosto 2009, muli siyang naghayag ng kanyang pagtakbo para sa halalan 2010 at nagpasa siya ng kanyang sertipiko ng kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC) noong 30 Nobyembre 2009 kasama si Perfecto Yasay Jr., na tatakbo bilang bise-presidente.

Sanggunian


Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.