Dugo sa Bukang-Liwayway

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Dugo sa Bukang-Liwayway (pabalat ng aklat)


Dugo sa Bukang-Liwayway ay isa sa mga nobelang inilimbag ni Rogelio R. Sicat sa kanyang manuskrito. Ang nobelang ito ay naglalayon na maisalaysay ng may-akda ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ito ay nailathala ng University of the Philippines Press noong 1989.


Mga nilalaman

[baguhin] Tungkol sa Aklat

Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ay isang nobela na inilimbag ng may-akda sa kanyang manuskrito ng dugo, pawis at ultimong bakas ng talampakan. Ang motibo, inspirasyon, nilalaman, birtud at "kasalanan" ng nobela ay pawang hinugot sa tadyang ng may-akda, alak at tinapay mula sa talambuhay, unang lagom ng kanyang mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ang sinilangang bayan ng San Isidro, Nueva Ecija ang San Roque sa nobela. May sandaling ang may akda ang naging isa sa tauhan ng nasa nobela pagpapatibay sa pagiging "totoo" ng kanyang akda, hindi kathang isip lamang, bagama't pagpapatunay din sa talinghaga ng paglikha.

Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo. Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.


[baguhin] Tungkol sa May-akda

Haligi ng panitikang Pilipino ang nobelistang si Rogelio Sicat. Ang Dugo sa Bukang-liwayway ay isa sa pinkamahusay na nobelang Pilipino na nasulat sa ikalawang hati ng siglo 20.

Pasimuno ng pag-unlad ng makabagong kuwentong Pilipino bilang kasapi ng grupong Agos sa Disyerto, mga kuwentistang nangahas magpasok ng mga pagbabago sa pananaw, anyo, at wika ng kuwentong Tagalog. Peryodista rin si Sicat, sumulat ng mga kolum sa Malaya at Diyaryo Filipino, at nagsilbi bilang Dean ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP.

Popular siyang guro ng panitikan at malikhaing pagsulat sa UP kung saan siya nagtuturo bilang University Professor.


[baguhin] Sanggunian

Sicat, Rogelio. Dugo sa Bukang-Liwayway. Quezon City: University of the Philippines Press, 1989.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.