Double-dead meat

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang double-dead meat, o botcha sa kolokyal na wika, ay tumutukoy sa mga karne mula sa hayop, partikular na ng baboy, na namatay sanhi ng sakit. Ang halaga ng double-dead meat ay karaniwang kalahati ng presyo ng mga karneng nakapasa sa mga pamantayan. Sa pagpapalagay na nakamura sila, ang mga mahihirap na pamilya ang kadalasang nabibiktima ng double-dead meat. Lubhang delikado ang pagkain ng double-deat meat. Maaari itong magdulot ng pagtatae, pagkalason at pagkamatay.

Ang Balintawak Market ang itinuturing na karaniwang destinasyon ng double-dead meat sa dahilang ito ang pinakalamapit sa mga babuyan sa mga probinsya ng Gitna at Hilagang Luzon. Ang Pasay at Divisoria ay madalas ding pinagdadalhan ng double-dead meat.

Mga nilalaman

[baguhin] Palatandaan ng double-dead meat

Nangingitim at mapusyaw ang balat ng double-dead meat. Nakadikit sa balat ang balahibo nito kahit na pakuluan sa tubig. Malamig din ito sanhi ng matagal na pagkakalagay sa yelo. Bukod dito, mabaho ang amoy nito.

[baguhin] Parusa sa pagbebenta ng double-dead meat

Ang pagbebenta ng double-dead meat ay labag sa Batas Republika Blg. 7394 o Consumer Act of the Philippines. Ang sinumang napatunayang sangkot sa pagbebenta ng double-dead meat ay maaaring makulong nang isa hanggang limang taon at magmulta ng P5,000 hanggang P10,000. Maaaring parehong makulong at magmulta ang may sala.

[baguhin] Mga ginagawa ng gobyerno

Ang mga lokal na tanggapang pangkalusugugan at kapulisan ng isang lungsod o munisipalidad, sa pakikipagtulungan sa National Meat Inspection Service, ay nagsasagawa ng mga raid sa mga pamilihang iniulat na nagbebenta ng double-dead meat. Kukumpiskahin ang mga karneng ito at ililibing o di kaya'y susunugin.

Noong Disyembre 2008, lagpas sa 1,000 kilong double-dead meat ang nakumpiska sa Balintawak. Ang mga ito ay nagmula diumano sa Bulacan kung saan tinamaan ng ebola-reston virus ang ilang babuyan sa nasabing probinsya. Ang mga nakumpiskang ilegal na karne ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P100,000.

Sanhi ng patuloy na pagpasok ng double-dead meat sa merkado, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ng Lungsod Quezon ang mga pamilihan upang tiyakin na ang mga binebentang karne rito ay ligtas at nakapasa sa pamantayan. Nakatuon din sila sa posibilidad ng pagtataas ng parusa sa mga may sala tulad ng pagdadagdag ng multa at pagpapahaba ng pagkakakulong.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.