Domingo de Salazar

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: 1512 | }} {{#if: 4 Disyembre 1594 | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }}
Domingo de Salazar
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Estado
Kapanganakan 1512
Rioja, Espanya
Kamatayan 4 Disyembre 1594
Colegio de Santo Tomas, Madrid, Espanya
Asawa {{{spouse}}}
Mga Magulang {{{parents}}}
Palayaw {{{othernames}}}

Si Domingo de Salazar ang kauna-unahang obispo ng Maynila. Dumating siya sa Filipinas noong Marso 1581 at nagtayo ng Katedral ng Maynila noong 21 Disyembre 1581 sa bisa ng kautusan ni Papa Gregoryo XIII. Ipinagtanggol ni Salazar ang mga katutubo laban sa mga mapang-abusong panginoong maylupa.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Si Salazar ay ipinanganak sa Rioja, Espanya noong 1512. Pumasok siya sa orden ng Dominiko sa Kumbento ng San Esteban, Salamanca. Siya ay naging misyonero ng Nueva España (Mexico) sa loob ng 40 taon. Idinepensa niya ang mga katutubong Amerikano mula sa pananamantala at pananalakay ng mga Espanyol sa Nueva España at napili upang mamuno sa orden ng Dominiko sa kaniyang pagbabalik sa Espanya.

[baguhin] Obispo ng Maynila

Siya ay hinirang na obispo ng Maynila noong 1578, at binasbasan noong sumunod na taon sa Madrid. Dumating siya sa Filipinas noong 1581, kasama ang walong frayleng Pransiskano, dalawang Heswita, at isang Dominiko. Di nagtagal ay itinayo niya ang Katedral ng Maynila sa bisa ng pahayag ng Papa na si Papa Gregory XIII. Nagtatag din siya ng ospital para sa mga katutubong Filipino. Bilang obispo, nabigo siyang pairalin ang episkopal na pagbisita dahil matinding pagkontra ng mga prayle. Ito ang naging simula ng mahabang sigalot sa mga susunod na arsobispo at mga relihiyosong orden.

Masipag pero mainitin ang ulo, idinepensa ni Salazar ang mga katutubong Filipino laban sa kalupitan at pananamantala ng mga enkomiyendero. Dahil sa kaniyang malimit na pamamagitan sa mga usaping pampolitika ay nagkaroon siya ng hidwaan sa gobernador-heneral ng Filipinas na si Gomez Perez Dasmariñas noong panahon na iyon. Iniulat ni Salazar ang mga pang-aabuso ni Dasmariñas at ng iba pang opisyal na Espanyol kay Haring Felipe II. Ito ang naging dahilan sa pagkakatatag ng Real Audencia sa kabila ng pagprotesta ni Dasmariñas at ng mga frayleng Agustino.

Iniutos ng Haring si Felipe II ang pagtatatag ng Arsodiyosesis ng Maynila na malaya mula sa Nueva España. Hinirang si Salazar bilang kauna-unahang arsobispo.

[baguhin] Kamatayan

Namatay si Salazar noong 4 Disyembre 1594 sa Colegio de Santo Tomas, Madrid, Espanya.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.