Divisoria

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Divisoria.

Ang Divisoria ay isang malaking pamilihan sa pusod ng Lungsod Maynila. Kilala ito sa lawak at dami ng mga kalakal na nabibili sa mababang halaga. May mga damit, kagamitan, laruan, pangdekorasyon, piniratang pelikula at mga kanta, elektroniks, prutas, gulay, mga gamit sa eskwela, opisina at bahay, mga tela, at kung anu-ano pang matatagpuan dito.

Itinuturing ang Divisoria bilang sentro ng kalakalan sa Pambansang Punong Rehiyon dahil na rin sa mga tindahan, tiangge at shopping malls na nandirito. Sakop ng Divisoria ang Binondo, Tondo, at San Nicolas.


Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya at Transportasyon

Bagama;t walang opisyal na malinaw na hangganan, nahahati ang Divisoria ng kalye ng Claro M. Recto Avenue. May mga sanga-sangang kalsada rin ang makikitaan ng mga tindahan, tiangge at palengke mula sa mismong daan. Ilan sa mga kalsadang ito ang Juan Luna, Ilaya, Tabora, Santo Cristo, at Soler. Itinuturing na sentro ng Divisoria ang lugar na pinagigitnaan ng Recto, Juan Luna, Santo Cristo at Comercio.

Mapupuntahan ang Divisoria sa pagsakay ng LRT-2 sa may istasyon ng Recto. Maaari ring sumakay ng dyip mula Lungsod Kalookan, Lungsod Pasay, Lungsod Parañaque, Lungsod Quezon, Lungsod Antipolo, San Mateo sa pamamagitan ng dyip at bus, maging mga bus na bumibiyahe patungong Bulakan.


[baguhin] Kasaysayan

Nagmula pa sa pananakop ng Kastila ang kasaysayan ng Divisoria. Dito namalagi ang mga Tsinong hindi pa binyagan ng Kristiyanismo at pinagbawalang makapasok o makipagkalakalan sa dating Maynila na Intramuros. Tinatawag na parian, nagbuo ng komunidad ang mga Tsino sa ngayo'y Binondo at nagtayo ng mga tindahan. Lumago ang kalakalan sa lugar at naging isang sentro ng komeryo noong ikadalawampung siglo, na pinagtibay ng pagkakaroon ng Tutuban Central Station, ang pangunahing istasyon ng Philippine National Railways, na siya ring naging bagsakan din ng mga kalakal mula sa iba't ibang lalawigan. Pinagmulan din ng mga tauhan sa kasaysayan ang Divisoria gaya nina Andres Bonifacio at ang unang Pilipinong santong si Lorenzo Ruiz.

[baguhin] Mga Pamilihan

Sa loob ng dalawang dekada, maraming pamilihan o shopping malls ang naitayo sa Divisoria para tugunan ang mga mamimiling naghahanap ng murang kalakal subali't nais umiwas sa init at dami ng tao sa mga kalye.

Narito ang mga shopping malls at ibang pamilihang matatagpuan ngayon sa Divisoria:



[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.