Diosdado M. Lorenzo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Isinilang si Diosdado M. Lorenzo sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1906 at yumao noong 1984. Nagtapos siya nang may karangalan sa UP School of Fine Arts noong 1928. Ipinagpatuloy ni Lorenzo ang kaniyang pag-aaral ng sining sa Academia de San Fernando, Madrid noong 1930; at pagkaraan ay sa Reale Accademia di Belle Arti, sa Roma, Italya.

Noong 1935, binuo ni Lorenzo ang Accademia di Belle Arti sa Hong Kong, ang kauna-unahang akademya sa naturang lugar. Noong 1938, nakipagsanib siya kina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo upang maitatag ang Atelier of Modern Art sa Maynila. Sampung solong pagtatanghal ng mga likhang-sining ang nagawa ni Lorenzo mulang 1934 hanggang 1978, at lumahok sa iba't ibang pangkatang pagtatanghal sa Maynila, Roma, at Hong Kong. Binigyan siya ng Diploma of Merit sa Unang Internasyonal na Pagtatanghal ng Sining Kolonyal sa Roma. Tinanggap din ni Lorenzo ang Gawad Araw ng Maynila noong 1969 at Republic Cultural Heritage Award noong 1970.

[baguhin] Sanggunian

  • Paras-Perez, Rod. Edades and the 13 Moderns. Manila: Cultural Center of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at Committee on Visual Arts, 1995.
  • Stangl, Jane. Kayumanggi: Biographies of Philippine Visual Artists. Lungsod Quezon: Peso Book Foundation, 2000.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.