Diabetes

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang sakit na diabetes ay isang kundisyon kung saan bumababa ang abilidad o kaya ay kumpletong nababawasan ang abilidad ng body tissues na pangalagaan at gamitin ang sustansiyang nagdudulot ng lakas at enerhiya sa katawan.Ito ay nagmumula mula sa maraming sanhi na maaring ilagay sa grupo ng dalawang kadahilanan.

Mga nilalaman

[baguhin] Unang salik

  • Namamana
  • Malabis na katabaan
  • Impeksyon
  • Stress( ang pagbubuntis ay maaring porma o pagmumulan ng stress
  • Pagod ng isip
  • Pag-aalala o pagkabahala (ang may edad 40 pataas ang higit na nakararanas ng ganito

[baguhin] Ikalawang salik

  • Pagbabago sa hormones
  • Pagkakasakit sa lapay(impeksyon na galing sa mikrobyo na nagdadala ng sakit na pancreatitis,malignanteng tumor sa lapay at TB sa lapay
  • Pagkakasakit sa apdo,thyroid,pituitary at sakit sa atay
  • Pagkakaroon ng hindi matukoy na pinagmumulan ng insulin inhibitor
  • May kinalaman sa nutrisyon(mga taong aktibo na naging mataba dahil huminto sa pag-eehersisyo at lumakas sa pagkain.

[baguhin] Sintomas

  • Pagkakaroon ng napakataas na lebel, dami o konsentrasyon ng glucose sa dugo(hyperglycemia)
  • fasting blood sugar(FBS) na ang basa ay mahigit sa 120 mg/100 ml ng dugo
  • Sobra-sobrang pag-ihi(polyuria)
  • Malabis na pagkauhaw(polydipsia)
  • Sobrang pagkagana sa pakain(polyphagia)
  • Panunuyo ng katawan
  • Panghihina
  • Pagbaba ng timbang
  • Pagbaba ng resistensiya sa impeksyon
  • Mabagal na paghihilom ng sugat
  • Pamamaga ng mga ugat,atherosclerosis

[baguhin] Paggamot

Anumang uri ng paggamot ay kinakailangang may pagpapatnubay ng doktor.Ang maingat na paggamot at pagkokontrol ay maaaring hadlangan ang mga kumplikasyong gaya ng pagkabulag,pagkaputol ng mga galamay gaya ng mga paa, pagkakasakit sa puso at sa mga ugat na daluyan ng dugo at pagkakasakit sa bato. Ipinapayo ang mga sumusunod:

  • Balanseng pagkain
  • Pag-eehersisyo
  • Mga gamot na iniinom (kung kinakailangan)
  • Pagpapanatili ng tamang timbang
  • Positibong pananaw sa buhay
  • Pagkain na may sapat na sukat o dami, partikular ang pagkain na mababa ang taba o mantika na may katamtamang protina gaya ng ginataang vegemeat.

[baguhin] Sanggunian

  • Healing Wonders of Diet.Philippine Publishing House:1999

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.