Dengue

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue. Ang paggamit ng gamot na may acetylsalicylic acid tulad ng aspirin at mga non steroidal anti-inflammatory drugs tulad ng Ibuprofen ay hindi inirerekomendang inumin ng mga taong may Dengue.

Mga nilalaman

[baguhin] Sintomas

  • Mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw
  • Pagkahilo at pagduduwal ng kulay kapeng suka
  • Pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at likod na parte ng mata
  • Panghihina
  • Pagkakaroon ng maliliit at pulang pantal sa balat na tinatawag na petechiae
  • Balinguyngoy kasabay ng pagbaba ng lagnat
  • Maitim na dumi

[baguhin] Sanhi

Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ang pangunahing sanhi ng Dengue. Ito'y nangangagat lamang tuwing umaga. Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa.

[baguhin] Prebensyon at pagkontrol

Sa kasulukuyan, sinasaliksik pa lamang ang bakuna sa Dengue. Ang pagkontrol sa lamok na sanhi ng Dengue ang pangunahing paraan upang maiwasan ang sakit na ito.

Ang DOH ay naglabas ng mga alituntunin upang maiwasan ang Dengue:

  • Takpan ang mga dram at timba kapag hindi ginagamit upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok.
  • Palitan ang tubig sa mga plorera linggo-linggo.
  • Linisin ang mga dram at timba upang matanggal ang mga itlog ng lamok na nakakapit sa mga ito.
  • Linisin parati ang alulod ng bahay upang hindi maimbak ang tubig ulan na maaring pangitlugan ng mga lamok.
  • Butasin ang mga lumang gulong upang hindi maipon ang tubig dito.
  • Itabi o itapon ng wasto ang mga lumang lata o bote.

[baguhin] Sanggunian


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.