Demokrasya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang demokrasya ay, sa literal, ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.

Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan.

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Demokrasya. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.