Demograpiya ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ayon sa census ng 2000, ang populasyon ng Pilipinas ay 76,504,077 at binubuo ng iba't ibang mga pangkat etniko.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga pinagmulan

Naipakita ng makabagong pananaliksik sa henetika na ang uring panlahi ng populasyong Pilipino, na bumubuo ng pinakakaramihang bahagi ng bansa, ay naitatag noong pre-kasaysayan ng mga katutubong Taywanes na nagsasalita ng inang-wikang Awstronesyo, na sunod-sunurang dumayo sa Pilipinas noong mga 3000 BK, ang karamihan na nakipaghalo rin sa mga manaka-nakang dayo mula sa mainland o kontinenteng Asya (ngayo’y timog Tsina). Tangi ang mga pamayanang di-Awstronesyo na ito sa karaniwang populasyon pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika, bagaman tinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga tunay na Pilipino.

Mga apat sa bawat 100 Pilipino, o 3.6% ng populasyon, ang nagtataglay ng kanunununuang Yuropeo, bagaman hindi nabanggit kung gaano kalaki ang karaniwang pagkahalong Yuropeo sa kanila. Karamihan sa kanila, kasama ng mga di-Awstronesyong Pilipino, ay nagpapanatili ng mga pamantayan at ugaliing pangkulturang tangi sa pangkalahatang populsayon; kapansin-pansin din ang kanilang pagsasarili pagdating sa pagkakakilanlang etniko, pananaw sa daigdig, katayuang panlipunan, at pamanang pangwika.

[baguhin] Populasyon ng mga rehiyon ng Pilipinas sa taong 2007

Rehiyon Blg. ng Populasyon
I 50,678,230
II 83,646,902
III 12,353,671
IV 14,745,765
V 49,661,987
VI 47,745,765
VII 117,064,075
VIII 75,646,902
IX 28,634,466
X 30,789,325
XI 48,745,765
XII 17,675,575
SOCCSARGEN 78,590,206
ARMM 49,567,436
CAR 97,566,353
CARAGA 39,450,197
NCR 25,353,969
Populasyon ng Pilipinas 88,574,614 (Sensus ng 2007[1])

[baguhin] Mga sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Demograpiya ng Pilipinas. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.



Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>