De La Salle Green Archers

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang De La Salle Green Archers ay ang opisyal na koponang pampalakasan ng Pamantasang De La Salle-Maynila. Kalahok ang koponang ito sa taunang University Athletic Association of the Philippines at dating kalahok sa National Collegiate Athletic Association. Tinaguriang Lady Archers ang kanilang koponang pambabae samantalang ang kanilang koponang pang-hayskul, na kinakatawanan ng De La Salle-Santiago Zobel, ay tinatawag na Junior Archers. Ang kanilang opisyal na cheering squad ay ang De La Salle Animo Squad.

Mga nilalaman

Kasaysayan

NCAA

Isa sa mga orihinal na kasapi ng NCAA ang Pamantasang De La Salle nang itinayo ang liga noong 1924. Nanalo sila ng limang pangkalahatang kampeonato sa pangkolehiyong torneyo at sampu sa pang-hayskul na torneyo (na naipanalo noon ng De La Salle-Greenhills). Pinakamatagumpay ang Green Archers sa kasaysayan ng torneyong football ng liga at naging matagumpay din ang koponang tennis nito noong dekada '50 at koponang track and field noong dekada '70.

Umalis ang La Salle mula sa NCAA noong 1980 bunsod ng sunod-sunod na mga mararahas na larong basketbola sa liga noong dekada '70.

UAAP

Sumali ang La Salle sa UAAP noong 1986. Ang pinakabagong kasapi ng UAAP ay wala pang naipapanalong pangkalahatang kampeonato sa liga.

Bagama't wala pang kampeonato, naging kilala ang Green Archers na may malakas na programa sa basketbol, pambabae at panghayskul na volleyball, panlalakeng swimming, ahedres, tennis, at pambabaeng football.

Nasuspinde nang isang taon ang Green Archers at Junior Archers noong 2006-07 dahil sa maanomalyang pamemeke sa mga kahilingan ng mga basketbolistang sina Mark Benitez at Tim Gatchalian upang makapasa sa pamantasan. Ang dalawa ay kumuha umano ng Philippine Educational Placement Test (PEPT) upang makapasa sa kolehiyo bagama't wala silang diploma sa hayskul, ngunit napatunayang peke ang kanilang sertipiko sa PEPT. Dahil dito, napawalang-bisa ang kampeonato ng Green Archers sa panlalakeng basketbol noong 2004 at ang kanilang ikalawang pwesto sa torneyo noong 2005.

Bilang ng kampeonato

NCAA

Torneyo Panglalake Pambabae Hayskul
Ahedres 0 N/A 3
Basketbol 5 N/A 5
Football 21 N/A 25
Softball N/A 3 8
Swimming 1 0 9
Tennis 7 N/A 9
Track and Field 12 N/A 10
Volleyball 2 0 5

UAAP

Torneyo Panglalake Pambabae Hayskul
Ahedres 6 3 0
Badminton 1 4 N/A
Baseball 3 N/A N/A
Basketbol 7 4 2
Beach Volleyball 0 0 N/A
Football 3 8 1
Iskrima 0 0 0
Judo 0 0 0
Softball N/A 0 N/A
Swimming 11 4 0
Table Tennis 2 1 0
Taekwondo 3 4 0
Tennis 6 5 N/A
Track and Field 1 0 0
Volleyball 2 6 3 (panglalake) at 7 (pambabae)

Karagdagan sa mga kampeonatong napanalunan ng La Salle Dance Company ang UAAP Street Dance competition na ginanap noong Marso 2011. Ang Street Dance competition ay hindi opisyal na kasama si pangkalahatang kampeonato bagkus ito ay isang exhibiton sport.

Mga kilalang atleta

Maraming mga atletang taga-La Salle mula sa iba't ibang palakasan at disiplina ang naging tanyag sa mga lokal at internasyonal na palaro. Nariyan ang chess grandmaster na si John Paul Gomez; swimming champion at Olympian Eric Buhain; taekwondo champions Stephen Fernandez (exhibition bronze medalist sa 1992 Olympics) at Japoy Lizardo; Marielle Benitez, Stephanie Pheasant, at Samantha Nierras ng pambansang pambabaeng koponan ng football na Philippine Malditas; Maureen Penetrante, Stephanie Mercado, at Manilla Santos ng volleyball; at mga atletang naging artista na sina Monsour del Rosario (taekwondo), Isabelle Daza (football), at Enchong Dee (swimming).

Sa premyadong palakasan ng basketbol, naging tanyag ang mga alamat na sina Leo Prieto, Dionisio Calvo, Kurt Bachmann, Tito Eduque, Ramoncito Campos, Lim Eng Beng, Noli Locsin, at Jun Limpot. Kasalukuyan naman namamayagpag sa Philippine Basketball Association sina Mark Telan, Mark Cardona, Joseph Yeo, Ryan Arana, Willy Wilson, Rico Maierhofer, at Jayvee Casio.

Bagama't hindi kasali ang kanilang mga disiplina sa UAAP, naging tanyag na mga atleta mula sa La Salle sina Paeng Nepomuceno at Liza del Rosario ng bowling; Marcus Valda ng wrestling at mixed martial arts; Alvin Aguilar ng jiu-jitsu at mixed martial arts; at Edna Ledesma-Asano ng dancesport.

Mga chant

  • "Go La Salle! Go, go La Salle!"
  • "D-LS-U! Animo La Salle!"
  • "Rektikano!"

Courtside reporters

Si Tiffany Atendido, kasalukuyang mag-aaral ng abogasya sa La Salle, ang kasalukuyang tagapag-ulat para sa mga larong basketbol ng Adamson Soaring Falcons na lumalabas sa Studio 23. Siya rin ang naging tagapag-ulat para sa University of the East Red Warriors noong 2009.

Kabilang sa mga dating courtside reporters ng La Salle Green Archers sina Erin Torrejon, Sharon Yu, Hazel Aguilon, Micky Deles, Agnes Tapia, at dating host sa Studio 23 na si George Rocha.

Season 74

Kasalukuyang nasa ikalawang pwesto ang Green Archers pagkatapos ng isang semestre sa UAAP Season 74. Sila ay may 139 na puntos matapos makopo ang kampeonato ng panlalakeng swimming, kasama ang apat na pilak at limang tansong medalya. Ang Junior Archers naman ay nasa pang-apat na pwesto sa torneyo ng hayskul na may 44 na puntos. Sila ay pumangatlo sa basketbol at panlalakeng swimming.

Panglabas na kawing

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.