Daluyong

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Daluyong.jpg

Da


Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.



MAGANDA PA ANG DAIGDIG

DALUYONG Ni Lazaro Francisco


Buod ng Nobela Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.

Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasan ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino.

Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez.

Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan.

Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa.

Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao.

Pagpapahalaga Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo.

Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa mundo ay hindi pantay. May mga mayayaman, may mga mahihirap. Ngunit ang pagsubok ng buhay ay walang pinipili, kahit sino ka man presidente ka man ng bansa o ordinaryong tagapagbenta ng popcorn sa daan

Hindi pwedeng wala kang pagdaanang pagsubok sa buhay kaya isa-isip natin na normal lang ang mga ganitong bagay sa mundong ating ginagalawan. Nararapat lamang na hindi tayo mawalan ng pag-asa. Manampalataya lamang tayo, at magtiwala. Bigyang pansin natin ang mga taong magmamahal sa atin at ang mga pangarap na ating nais makamit. At sigurado, ipapakita ng Diyos na maganda pa rin ang daigdig.

Sa ano mang problema, hindi dapat tayo matakot. Kailangan natin harapin at ayusin ang ano mang problema natin. Huwag nating hayaan na sirain ng iba ang buhay natin lalo na kapag tayo ay inaakusahan ng isang krimen na hindi tayo gumawa. Sa huli ang tama din naman ang mananaig kaya’t kung wala naman tayong ginawang masama sa iba, hindi natin kailangan magtago at magdusa sa halip ipaglaban natin ang ating sarili.

[baguhin] Sanggunian

  • Francisco, Lazaro. Daluyong. Nalathala noong 1962, at muling inilimbag ng Ateneo de Manila University Press.

[baguhin] Panlabas na kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.