Daigdig

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Talaksan:Rotating earth (large).gif
Ang daigdig kung paano ito umikot.

Ang planetang Daigdig[1] ay ang pangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking planetang terestriyal ng sistemang solar. Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig lamang ang katawang pamplaneta kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng mga hayop at halaman.

Mga nilalaman

[baguhin] Simula ng Daigdig

Nabuo ang planetang Daigdig mga 4.57 bilyon (4.57×109) taon na ang nakalipas. Nabuo naman ang nag-iisang natural na satelayt ng Daigdig o Buwan noong nakalipas na 4.533 bilyon taon.

Ang simbolong astronomikal nito ay binubuo ng pabilog na krus, kinakatawan ang meridyan at ang ekwador; nilalagay naman sa itaas ng bilog ang krus sa ibang simbolo (Unikodigo: ⊕ or ♁).

[baguhin] Mga patong ng Daigdig

[baguhin] Panloob na pusod

Ang pusod ng Daigdig ay gawa sa nikel-iron na mala-metal ang panloob. Dahil dito, mayroon itong magnetic field' at mga actibong bulkan.

[baguhin] Panlabas ng pusod

Ang panlabas ng pusod ng Daigdig ay tulad din ng sa panloob ngunit gawa ito sa likidong materyal.

[baguhin] Kapa

Sa itaas ng pusod ng daigdig matatagpuan ang kapa o mantel (mantle) na buo at mabato.

[baguhin] Balat

Ang lupang kinatatayuan natin sa daigdig ay parte ng Balat ng Daigdig. Matutuklasan dito ang iba't ibang anyo ng lupa. Kasama na rito ang mga anyong tubig at kailaliman ng mga dagat at karagatan.

[baguhin] Tatlong mga bahagi

Ang tatlong bahagi ng daigdig ay ang mga kinakailangan ng mga organismo upang mabuhay. Pinagkukunan ng halaman ang lupa ng mga sustansya. Kinakailangan din ng halaman ang elementong tubig upang lumago at magbunga. Ang hangin ay ginagamit din ng mga halaman sa potosintesis. Ang mga hayop,kabilang na ang tao,ay nakakakuha ng enerhiya mula sa mga kinakaing halaman na nagmula sa lupa. Ang katawan ng hayop ay binubuo din ng tubig kung kaya't kinakailangan nating uminom ng tubig araw-araw. Upang makahinga ang mga hayop,kinakailangan din ang hangin na binubuo ng oksiheno at iba pang mga gases. Ang oksiheno ay isang napakaimportanteng elemento sa buhay ng hayop. Ang tatlong bahagi ng daigdig ang nagbibigay ng buhay sa mga organismo.

[baguhin] Lupa

Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking kontinente. Sinasabing nagmula sa isang malaking kontinente ang pito. At dahil sa mga sakuna at mga pagbabago sa klima,nagkawatak-watak ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyo ng mga kontinente sa daigdig. May iba't ibang anyo ang lupa sa daigdig. Nariyan ang bundok, bulkan, kapatagan, talampas, tangway, burol, lambak at mga isla.

[baguhin] Mga kontinente

[baguhin] Tubig

May apat na malalaking katawan ng tubig o karagatan ang daigdig. Matatagpuan din ang iba't ibang anyo ng tubig sa daigdig tulad ng karagatan, dagat, ilog, talon at lawa. Sa mga anyo ng tubig, tanging mga karagatan at dagat lamang ang maalat ang tubig at ang iba'y mga di-maaalat o tubig tabang.

[baguhin] Mga karagatan

[baguhin] Sanggunian

  1. Daigdig, world, earth. English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles) 1990
Commons-logo.png
Wikimedia Commons has
media related to:

Padron:Planetang Terestriyal

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Daigdig. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.