Cris Valdez

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Cris “Kesz” Valdez ang tinanghal na International Children's Peace Price Awardee ng taong 2012. Sa gulang na labintatlo, nakalikom ang kanyang “Championing Community Children” ng pondo sa pamamagitan ng pagtitinda ng kandila upang magbigay ng “Hope Gifts” (mga tsinelas, laruan, kendi, damit at pangunahing pangangailangan) sa mga batang nangangailangan sa Lunsod ng Cavite. Natulungan niya ang may sampung libong kabataan na biktima ng pang-aabuso, karahasan at paggawa ang karamihan. Tinutustusan niya rin ang kalusugan at kalinisan, maging ang karapatan ng mga kabataan.

Ibinigay ni Nobel Peace laureate, aktibistang Aprikano at retiradong obispo ng Simbahang Anglican na si Desmond Tutu ang parangal at sinabing karapatdapat si Valdez bilang halimbawa ng “bagong tinig para sa mga walang boses.”

Sa panayam ng ABS-CBN Europe News Bureau, sinabi ni Tutu na “Para sa Pilipinas, maaaring marami kayong hirap na pinagdaraanan para panatilihin ang pagkakaroon ng mga kabataang gaya ni Kesz na nagibibigay ng pag-asa na walang makahihigit sa atin at gusto namin siyang batiin nang sobra-sobra sa tagumpay ng kanyang gawain. (“For the Philippines, you may have difficulties but those difficulty seem to keep producing outstanding young people like Kesz (Carlos Valdez) which give hope that nothing ultimately can defeat us and we want to congratulate him very very warmly on the success of his undertaking”).

Nakatanggap si Valdez ng premyong iskolarsyip na nagkakahalaga ng 100,000 Euro (PHP 5.4 milyon) sa seremonyang ginanap sa The Hague. Plano niyang kumuha ng medisina sa hinaharap. Kasama si Marc Dullaert, tagapangulo ng KidRights Foundation, pinaplano ni Valdez kung aling mga proyekto niya ibabahagi ang perang napanalunan.


Mga nilalaman

[baguhin] Pagkatao

Sa gulang na tatlo, namalimos si Valdez gaya ng ibang mga batang lansangan at nagkalkal ng basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kanyang pamilya. Limang taon siya nang masunog ang kanyang braso at likod at umalis sa kanilang bahay upang humingi ng tulong.

Nagbago ang kanyang buhay at pananaw nang makilala niya si Efren Peñaflorida. Nagsilbing paaralan ni Valdez ang “Kariton” ni Peñaflorida. Sa gulang na labing isa, siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company ni Peñaflorida kung saan itinuturo niya ang wastong kalinisan hanggang sa makabuo siya ng sarili niyang institusyon.



[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na kawing


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.