Cordillera Administrative Region

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Cordillera Administrative Region ay matatagpuan sa bulubunduking gitna/pagitan ng tatlong rehiyon sa hilagang bahagi ng Luzon: ang Rehiyon ng Ilocos, Rehiyon ng Lambak ng Cagayan, at Rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang kabundukan ng Kordilyera ang pangunahing lunan ng mga lalawigang nakapalood sa rehiyong ito.

Mga nilalaman

[baguhin] Lalawigan at Lungsod

Binubuo ang rehiyon ng anim na lalawigan at isang lungsod: Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Ang Lungsod ng Baguio ang kaisa-isa sa buong Kordilyera.

[baguhin] Pamumuno

Narito ang lista ng ihinalal na pinuno at representante sa kongreso ng bawat lalawigan at distrito na magsisilbi sa mamamayan ng Cordillera Administrative Region mula 2013 hanggang 2016 [1].

Lalawigan Gobernador Bise Gobernador Mga Kinatawan sa Kongreso
Abra Eustaquio Bersamin Chari Bersamin Maria Jocelyn Bernos, Nag-iisang Distrito
Apayao Elias Bulut, Jr. Hector Reuel Pascua Eleanor Bulut-Begtang, Nag-iisang Distrito
Benguet Nestor Fongwan Nelson Dangwa Ronald Cosalan, Nag-iisang Distrito; Nicasio Aliping, Jr., Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Baguio
Ifugao Denis Habawel Pedro Mayam-o Teodoro Baguilat, Jr., Nag-iisang Distrito
Kalinga Jocel Baac Sonny Mangaoang Manuel Agyao, Nag-iisang Distrito
Mountain Province Leonard Mayaen Boni Lacwasan Maximo Dalog, Nag-iisang Distrito

[baguhin] Populasyon

Batay sa senso na nakalap ng National Statistics Office hanggang 1 Mayo 2010, umabot sa 1,616,867 ang populasyon ng rehiyon, kumpara sa 1,146,191 bilang noong 1990. Pinakamarami ang bilang ng mamamayan na bumubuo sa lalawigan ng Benguet (hindi pa kasama ang Lunsod ng Baguio). May kabuuang growth rate ang rehiyon na 1.73 batay sa datos na mula taong 1990 hanggang 2010 [2].

Lalawigan Populasyon: 1990 – 2000 – 2010 Growth Rate: 1990-2000 – 2000-2010 – 1900-2010
Abra 184,743 – 209,491 – 234,733 1.26 – 1.14 – 1.20
Apayao 74,720 – 97,129 – 112,636 2.66 – 1.49 – 2.07
Benguet (hindi pa kasama ang Lungsod ng Baguio) 302,715 – 330,129 – 403,944 0.87 – 2.04 – 1.45
Lungsod ng Baguio 183,142 – 252,386 – 318,676 3.26 – 2.36 – 2.81
Ifugao 147,281 – 161,623 – 191,078 0.93 – 1.69 – 1.31
Kalinga 137,055 – 174,023 – 201,613 2.41 – 1.48 – 1.95
Mountain Province 116,535 – 140,631 – 154,187 1.90 – 0.92 – 1.41

[baguhin] Wika

Ilan sa mga wikang matatagpuang ginagamit sa Kordilyera ay ang mga wikang Kankana-ey, Tagalog, Ibaloi, Kalanguya, Ifugao, Aplai, Itneg, Tinguian, Ingles, at ang Iloko bilang kanilang lingua franca.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.