Chinese Garter

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Chinese Garter from [1]

Ang Chinese Garter ay isang tanyag ng larong pambata sa Pilipinas. Ang larong ito ay ginagamitan ng ordinarying goma na pinagtitirintas ng mahaba at dinugtong pabilog.

Mga nilalaman

Pinagmulan

Ang tawag nito sa ibang bansa ay "Chinsese Jump Rope" na nagmula pa sa Tsina noong ika pitong siglo. Nilalaro nila ito noon sa mga selebrasyon ng bagong taon sa Tsina at ang mga ito ipinapasa sa mga henerasyon at naging tanyag na ito maging sa ibang bansa. Sa Pilipinas ang Chinese Garter ay karaniwang nilalaro ng mga batang babae.

Paglalaro

Ang mga batang babae ay hahatiin sa dalawang kupunan o mas marami pa na may dawala kasapi bawat kupunan. Ang mga manlalaro pipili ng "taya" na kung saan ang kupunan na iyon ay magsisilbing poste na kung saan doon ikakabit ang garter. Ang pinakapunto ng laro ay malampasan ang bawat antas ng pagtaas ng goma sa pamamagitan ng paglundag. Ang bawat kupunan ay mayroong pinuno na tinatawag na "ina" o "Mother." Ang pinuno ang siyang papalit sa mga kasapi na nadampian ang goma sa kanilang paglalaro. Kapag hindi nagawa ng pinuno ang makalundag sa antas ng kanilang natanggal na kasapi sila ang tatanghalin na bagong "taya" at magiging poste ng garter.

Mga Antas

Ang Chinese Garter are nahahati sa mga antas. Karaniwan antas nito ay sampu. Ang mga sumusnod ay ang mga karaniwang antas:

  • Ang garter ay inilalagay sa may paanan.
  • Sa taas ng tuhod
  • Sa may balakang
  • Sa taas ng balakang
  • Sa dibdib
  • Sa balikat
  • Sa leeg
  • Sa noo
  • At sa pinakmataas ng antas ay ang paggamit ng mga bata ng kanilang kamay. Ilalagay nila ang kanilang kamay sa ulo at isasabit nila ang garter dito. Ang tawag sa talon na ito ay ang "mother jump."

Bersyon

Iba't iba ang bersyon nito sa buong mundo at sa Pilipinas iba iba din ang bersyon ng laro. Sa ibang parte ng Pilipinas, ginagawa ang pagbibilang ng 10-20 na kung saan mayroong sariling koryo o hakbang ng pagtalon.

Panlabas na Kawing


Sanggunian