Chef Sau del Rosario

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|250px| Chef Sau del Rosario

Si Chef Sau del Rosario ay isa sa mga tanyag at pinakabatang chef sa Pilipinas. Siya ang nasa likod ng ilang mga prestihiyosong hotel at kainan sa loob at labas ng bansa tulad ng Raffles Hotel sa Singapore, Equinox sa Swiss Hotel, Restaurant L’universe sa Nice, Pransya, Le Devellec sa Paris, Luna sa Shanghai at iba pa.

Mga nilalaman

Buhay at Edukasyon

Nagmula si del Rosario sa pamilya ng mga chef mula sa lalawigan ng Pampanga, na kilala sa pagkakaroon ng pinakamahusay na talento sa pagluluto. Mula sa kanyang ama hanggang sa kanyang lolo, nagkaroon na ng hilig ang kanyang pamilya sa pagluluto. Ngunit ang galing at interes niya sa pagluluto ay namana niya sa kanyang ina na siyang nagturo sa kanya ng tamang hakbang at pormula sa pagluluto. Limang taon pa lamang si del Rosario ay natuto na siyang magluto ng relyenong bangus.

Katulad ng kanyang ama, nag-aral si del Rosario sa Culinary Institute of America bago kumuha at nakapagtapos ng Hotel and Restaurant Management sa Unibersidad ng Pilipinas.

Karera

Nagsimulang manungkulan si del Rosario sa Westin Philippine Plaza na siyang naging daan upang maging isa siya sa mga miyembro ng kauna-unahang grupo nang magbukas ang EDSA Shangrila, ang kauna-unahang pag-aari ng mga Shangrila sa Pilipinas. Pagkaraan ng dalawang taon ay naging Chef de Partie siya sa New World Hotel at naging miyembro ng pangkat sa pagbubukas ng Bocarinos.

Ang mga napagtagumpayan ni del Rosario ang tumatak sa isip ng mga tao at naging dahilan din nang pagtitiwala sa kanyang kakanyahan ng Manila Peninsula. Bukod sa pagiging chef, siya rin ang naatasang magplano para sa operasyon ng mga restoran na nasa ilalim nang pamamahala nito tulad ng Old Manila at ang Conservatory. Bunga nito ay isang parangal ang naigawad sa kanya sa pamamagitan nang pag-aangat ng kanyang estado mula sa pagiging Senior Chef sa edad na 29, kinalaunan ay naging Chef Gundlach protégé, at tumaas pa sa pagiging Sous Chef.

Tumulay si del Rosario sa mas prestihiyosong antas. Nagtungo siya sa Singapore para sa makasaysayang Raffles Hotel kung saan siya ay inatasan sa pagpapaunlad, pagpapatupad at pagpapanatili ng mataas na sukatan sa kulinarya ng lahat ng mga restoran sa Equinox, tulad ng Jaan.

Higit pang umangat ang kanyang karera noong 2004 nang nagbukas ang Museum Café o mas kilala bilang M Café na pagmamay-ari ng mga Ayala. Dito ay malaya niyang naisakatuparan ang kanyang malikhaing mga putahe. Upang higit pang lumawak ang kanyang kaalaman, ipinasiya niya ang magtungo sa Nice, at pagkatapos ay sa Paris, Pransya. Doon niya higit na natutunan ang mga bagong kaalaman tungkol sa kultura at kulinarya ng mga Pranses.

Isa si chef del Rosario sa iba pang tatlong chef na gumawa ng flavor para sa Selecta Gold Edition Ice Cream. Bata pa lamang si del Rosario ay mahilig na siya sa brownies at ang kanyang pagkahilig na ito ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng flavor na Hazelnut Brownie. Ito ang paghahalo ng hazelnut paste at chocolate ice cream sa isang moist fudge brownies.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.