Celso Al. Carunungan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Celso Al. Carunungan ay isang Pilipinong manunulat sa wikang Ingles at Filipino.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Nagsimula si Carunungan magsulat sa pahayagan ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang Varsitarian. Unang nakilala bilang manunulat sa wikang Ingles, ang mga maikling kwento niyang “Hide-Out for a Hero” ay nailathala sa Colliers noong Agosto 19, 1955 at ang “Samurai Sword” ay nailathala sa Argosy noong Disyembre 1955.

Naging tanyag si Carunungan bilang scriptwriter sa pelikulang “Biyaya ng Lupa,” kasama ni Pablo Naval. Nanalo ang pelikula ng Best Picture at Best Story sa FAMAS Awards noong 1959, at tinaguriang isa sa mga klasikong pelikulang Pilipino.

Nakilala din siya bilang isang nobelista sa mga wikang Ingles at Filipino, dahil sa mga nobelang “Like a big brave man” (1960), “Mga Buwaya sa Lipunan” at “Satanas sa Lupa: Nobelang Pangkasalukuyan” (1971). May isang iskrip din daw si Carunungan na isinulat para sa “Pugutan,” isang ritual sa Marinduque noong 1970 ngunit di ito natapos.

Nanilbihan din si Carunungan sa gobyerno, bilang unang direktor ng Cultural Affairs Office ng Lungsod Quezon noong 1967 at naging commissioner sa National Commission on Culture.

Maaring dahil sa kritisismo sa lipunan at gobyerno nang “Satanas sa Lupa,” ay nakabilang siya sa tinaguriang “Class 1081,” ang mga pinagdadakip sa ilalim ng Martial Law na idineklara ng rehimeng Marcos noong 1972.

Maliban sa pulitika at lipunan, marami ring naisulat si Carunungan patungkol sa kanyang debosyon kay San Lorenzo Ruiz. Isa dito ay ang tanyag na nobelang“To Die A Thousand Deaths: A novel on the life and times of Lorenzo Ruiz” (1980), at ang kanyang pag-uulat sa kanonisasyon nito na nailathala sa Manila Standard noong 1987.

Siya rin ang namuno sa Board of Regents ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) mula Hunyo 10, 1981 hanggang sa kanyang pagpanaw noong Pebrero 15, 1988. Ipinangalan sa kanya ang silid-aklatan ng PLM bilang pagpupugay.


[baguhin] Mga Akda

[baguhin] Bibliograpiya

  • Like a big brave man: a novel (1960)
  • Return to Gomora and other stories (1963)
  • The Manila Hilton Filipininana (1968)
  • Mga Buwaya sa Lipunan (1971)
  • Satanas sa Lupa: nobelang pangkasalukuyan (1971)
  • Communication Arts for Social Living - Textbook Series for First to Fourth Year High School (1978)
  • To Die A Thousand Deaths: A novel on the life and times of Lorenzo Ruiz (1980)
  • Lorenzo de Manila : his life & martyrdom (1981)
  • Quezon City: A Saga of Progress (1982)

[baguhin] Kritisismo

  • Carunungan, Celso Al. The great epica of Filipino people. "Esso Silangan", 8(3) : 6-9, Jan 1963

[baguhin] Screenplay

  • Biyaya ng Lupa (1959, with Pablo Naval) - winner, 1959 Famas Award for Best Story
  • The Year of Living Dangerously - Consultant (1982)


[baguhin] Mga Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.