Cecilio Apostol

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Cecilio Apostol ay isinilang noong 22 Nobyembre sa Santa Cruz, Maynila. Makikilala siyang editor, makata, mananaysay, at peryodista ng kaniyang panahon. Nagtapos siya ng batsilyer sa Ateneo Municipal de Manila at ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nalathala ang kaniyang mga akda sa La Patria, La Fraternidad, La Democracia, El Renacimiento, at La Union. Naging editor din siya ng La Independencia na itinatag ni Juan Luna. Natipon ang kaniyang mga tula sa Pentelicas (1940). Noong 8 Setyembre 1938 ay binawian siya ng buhay.

Sanggunian

Almario, Virgilio S. Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas. Lungsod Pasig: Anvil Publishing House, 2006.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.