Cayetano Arellano

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Cayetano Arellano (kapanakan Marso 2, 1847, Udiong, Bataan; kamatayan Disyembre 23, 1920, Maynila) ay kauna-unahang punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.

Siya ay pinanganak sa Udiong (na ngayon ay Orion) sa lalawigan ng Bataan. Ang kanyang ama ay si Servando Arellano, isang Kastila at ang kanyang ina ay si Cristina Lanzon, isang taga-Bataan.

Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran bilang isang "agraciado" (nag-aaral kapalit ng paglilingkod ng walang bayad). Nagpatuloy siya sa Unibersidad ng Santo Tomas, ngunit sa San Juan de Letran siya nagsilbi. Isa siya "Mayor de Salon" at "Decano de San Juan de Letran".

Bagamat walang madulang pangyayari sa buhay niya tulad sa mga katipunero noong himagsikan, siya ay kilala sa kanyang katalinuhan sa batas.

Pagkatapos niyang makapasa sa pamahalaan sa pagiging abogado ay nagbukas siya ng sariling tanggapan. Nagturo siya ng "codigo sibil" sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ilan sa kaniyang mga naturuan ay sina Ortigas, Palma, de los Santos, Osmeña, Quezon, Sumulong, Orense at marami pang iba na pawang nakilala at hinangaan.

Noong 1886 ay nahirang siyang "Mahistrado Suplente". Naging kagawad naman siya sa "Asemblea Provincial" noong 1893, hanggang siya sa siya'y maging "Mahistrado Suplente dela Audiencia Territorial de Manila".

Naatasan siyang Punong Mahistrado ni Gobernador Heneral William Taft noong Hunyo 15, 1901. Siya ang nahirang ni Pangulong Theodore Roosevelt upang kumatawan sa Estados Unido at sa Pilipinas nang magdaos ng pulong ang mga huriskonsulto buhat sa iba't ibang panig ng daigdig noong 1904. Pinagkalooban soya ng karangalan "Doctor en Leyes" ng Unibersidad ng Yale.

Sa kabila ng mga katangian at karangalang ito ay may isang kaugaliang maitatatangi sa kanya. Ito ay pagiging isang mabuting Katoliko, Anga araw ng Linggo ay inilaan niya sa pananalangin at pagbabasa ng banal na aklat.

Si Don Cayetano ay namatay noong Disyembre 23, 1920 at may habiling huwag tatangap ng mga alay na bulaklas at ilibing siyang isang pangkaraniwang tao lamang. Itinatag ang Kolehiyong Pangbatas ng Arellano (ngayon ay Unibersidad ng Arellano) noong 1938, 18 taon mula ng siya ay namatay.

Maaring bisitahin

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Cayetano Arellano. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.