Carlos P. Garcia

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Nobyembre 4, 1896 | }} {{#if: Hunyo 14, 1971 | }} {{#if: Leonila Dimataga | }} {{#if: | }} {{#if: | }}
Carlos P. Garcia
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Kasalukuyang Nanunungkulan
Ika-8 Pangulo ng Pilipinas
Ika-4 na Pangulo ng Ikatlong Republika
Panahon ng Panunungkulan
Marso 23, 1957 (halal Disyembre 30, 1957) - Disyembre 30, 1961
Kapanganakan Nobyembre 4, 1896
Talibon, Bohol
Kamatayan Hunyo 14, 1971
Talibon, Bohol
Asawa Leonila Dimataga
Mga Magulang {{{parents}}}
Palayaw {{{othernames}}}


Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

[baguhin] Talambuhay

Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.


[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Carlos P. Garcia. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.