Rehiyon XIII

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Caraga)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Region13.jpg

Ang Caraga o Rehiyon XIII ay rehiyong administratibo ng Pilipinas, at nasa hilagang-silangang bahagi ng isla ng Mindanao. Tinatawag din ang Caraga na Rehiyon XIII, ang pinakabagong rehiyon sa Pilipinas. Nabuo ito sa bisa ng Batas Republika Bilang 7901 na pinagtibay noong 25 Pebrero 1995. Ang Caraga ay binubuo ng limang lalawigan: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur. Tatlo sa mga lungsod ng Caraga ang Butuan, Surigao, at Bislig, samantalang may 70 munisipalidad at 1,346 barangay ang taglay nito. Ang Lungsod Butuan ang nananatiling sentro at kabisera ng rehiyon.




"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.